"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
Naglalakad kami ngayon palayo sa bamboo house.
Hindi na naman niya ako sinagot.
Pumasok kami sa bandang gubat.
"Hey, wait. Sabi ni kuya huwag daw ako pumasok sa mga magugubat baka daw may nangingidnap.." ani ko.
Narinig ko siyang tumawa.
"Sa kabilang dulo nito ay mataas na pader so hindi sila dito maglalagi kung sakali." Sabi niya.
Hindi pa din ako sumama.
"Bakit? Pwede naman sila umakyat sa pader ah." Katwiran ko.
"Sa tingin mo aakyat sila ng pader para maghapon maghintay kung may papasok dito? How about their food? At sige sabihin natin na nakakuha sila ng kikidnapin. Ano, iaakyat pa nila sa pader na ang kabila ay puro mga bahay ng taga rito?" Paliwanag niya.
Matagal ako hindi sumagot. May punto naman siya.
Inabot ko yung kamay niya.
Naglakad na kami papasok.
Halos ipasok ko na yung sarili ko sa kili-kili niya dahil pakiramdam ko ay anytime may mga masasamang tao ang kukuha sa amin.
Ilang minuto pa kami naglakad hanggang sa may maaninag ulit akong dalampasigan.
I saw a bamboo house again but this time without walls.
May puting kurtina ito at some sort of bed.
May dalawang babae doon.
Petals is all over the place.
Umakyat kami.
"I know you're tired from Albay to Manila and then I brought you here in Batangas so you deserve something relaxing." Ani niya.
Napangiti ako.
Naghubad na ako ng damit tsaka dumapa.
Sa kabilang bed din siya nagpapamasahe.
Napapa pikit ako dahil sa sarap nito sa pakiramdam.
I also love the smell of the oil.
The sounds from the ocean.
Nagising ako na halos palubog na ang araw.
Dibdib agad ni Adam ang nakita ko.
Yumakap ako sa kanya at sumiksik.
Medyo malamig na ang simoy ng hangin.
"We should go, pagabi na.." sabi niya pero ungol ng pagprotesta lang ang sinagot ko.
I wanna spend time with him more..
"So, you wanna stay like this for a moment?" Tanong niya.
"Uh-huh.." sagot ko.
Inamoy ko siya.
"Amoy chocolate ka.." sabi ko.
Tumawa siya.
Inamoy ko ulit siya.
Binuhat niya ako para idagan sa kanya.
"Better.." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti naman siya.
Inilapit niya yung mukha ko para halikan ako sa noo.
Humiga ako sa dibdib niya.
Gosh! This is addicting!
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.