Kinabukasan ay ako ang nakipagkita kay Mr. Nicolas.
"Goodmorning po. Ako po si Mrs. Salvatore," pakilala ko. Pamilyar siya sa akin dahil siguro nakita ko na siya sa isa sa mga party na dinaluhan namin ni daddy.
"Too young to be a misis." Sabi nito.
Ngumiti ako tsaka kami umupo.
"I am quite surprise nung tumawag kayo for a proposal. Salvatore Empire is such a big company." Sabi nito.
"Ang totoo po niyan ay may itatanong ako." Sabi ko.
"Tungkol po sa pagkamatay ni Dianne.."
"I think I should go." Mabilis nitong saad tsaka mabilis na tumayo at umalis.
Hinabol ko siya.
"Saglit lang po Mr. Nicolas!" Tawag ko.
Mabilis siyang nakalabas.
"Alam ko po na wala kayong kinalaman doon." Nagmamadali kong habol.
Tumigil siya at humarap sa akin.
"Anak po ako ni Leandro Froile kaya alam ko talaga ang buong pangyayari. Gusto ko lang po malaman kung ano ang nangyari noon para malaman natin kung sino talaga ang gumawa nun." Paliwanag ko.
Matagal siyang nakatingin lang sa akin.
"Nung linggo ay kasama ko ang pamilya ko sa Davao. Nagbabaksyon kami. Tumawag sa akin si Cabili at Dela Cruz na umatras na ang daddy mo sa plano namin. Napatingin ako sa mga anak ko noon. Naisip ko bigla kung paano kaya kung sa amin iyon gawin. Kasunod ng ama mo ay umatras na din ako. Umatras na din sila Dela Cruz at Cabili nun kaya nagulat kami kung bakit natuloy pa din ang plano.." kwento nito.
"Wala ba kayong naiisip na ibang pwedeng gumawa nito? Ibang kaaway ng ama ni Dianne?" Tanong ko.
"Madami. Masyadong madami. Gahaman sa pera at kapangyarihan si Ignacio Suarez kaya hindi kami magtataka kung gumanti ito sa anak niya." Sagot nito.
Hapon na nung maka-uwi ako sa unit ni Adam.
Wala pa siya doon.
Nakaramdam ako ng antok kaya nagpahinga muna ako sa kwarto namin.
Nagising ako na nasa likod ko na si Adam. Natutulog din.
Humarap ako sa kanya tsaka yumakap.
Nagising siya dahil doon.
"Kamusta ang pakikipag-usap mo kay Mr. Nicolas?" Tanong niya.
"Kinuwento niya lang yung pag-atras niya. Nagtanong ako kung baka may kakilala siyang pwedeng gumawa noon, marami daw kaaway yung daddy ni Dianne." Sagot ko.
Tumango ito.
"Baka kila Mr. Cabili ay may makuha na tayong impormasyon." Sabi ko.
"Gusto mong samahan kita?" Tanong niya.
"Ikaw. Kung kaya mo silang makita." Saad ko.
Kinabukasan ay nagpacheck-up kami ni Adam.
Niresetahan ako ng mga vitamins.
"Hindi naman po maselan ang pagbubuntis ni misis. Malakas naman po ang resistensya niya pero iwasan pa din po ang stress at pagbyahe ng malayo." Ani ng doctor sa amin.
"Adam.." tawag ko habang nagdadrive siya.
"Bakit?"
"Sigurado kang wala ka nang tinatago sa akin?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.