Chapter 27

131 5 12
                                    


Sa isang malaking bahay ako ibinaba ng taxi driver.





Nagdoorbell ako tsaka hinintay na may lumabas.





Nakita ko si Gaston na papalapit.













Halos walang laman ang bahay niya kahit malaki.




"Anong kailangan mo?" Tanong nito.


Prente siyang naka-upo sa harap ko.



"Ano ang itinatago sa akin ni Adam?" Lakas loob kong tanong.




Malakas siyang tumawa.



Lalo akong nairita sa kanya.



Two-faced jerk!





"Sa wakas ay nahalata mo na din. Akala ko ay panghabang-buhay kang tanga." Sabi niya.


Gusto ko siyang sagutin pero baka hindi niya sabihin ang totoo sa akin.


"Sige. Dahil may pinagsamahan naman tayo ay sasabihin ko sayo." Aniya.



Nanatili lang akong nakikinig.


"Ginagamit ka lang ni Adam." Sagot nito.




Parang ilang beses na sinaksak yung puso ko sa sakit.





"Planado ang lahat. Ang pagkakaaksidente ng kapartner ng daddy mo. Ang pagkalugi niyo noon. Ang pag-alok ni Adam ng kasal. Lahat lahat..."





"Hayop talaga kayo.." ani ko habang masama ang tingin sa kanya.



"No, ang daddy mo ang hayop dito." Napaayos ako ng upo sa sinabi niya.



"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.




"Yan ang hirap sayo. Akala mo lahat ng tao sa paligid mo ay mabait. Akala mo ay nasa loob ka ng mabuting pamilya but that's bullshit, Lillie. Alam mo bang kaya naabot niyo kung nasaan man kayo ngayon ay dahil gumawa ng masama ang pamilya mo?"


"Diretsahin mo nga ako.."
















Tulala ako habang nasa byahe.

Nagpababa ako sa isang hotel.

Ayaw ko muna silang maka-usap. Ayaw ko muna silang makita.







"Nag-iisang anak si Dianne ng major stockholder ng isa sa pinaka malaking kompanya sa Pilipinas. Noon palang ay nagsasama na sila ni Adam. Namatay ang ama ni Dianne kaya siya na ang kukuha ng posisyon nito sa kompaniya. Pero dahil sakim ang daddy mo at mga kasamahan nito ay pinaambush nila si Dianne." Pakiramdam ko ay natigil ako sa paghinga.






"Pinapatay nila si Dianne kasama ang anak nito. Dahil wala na itong ibang kamag-anak ay pinaghati-hatian nila yung share. Ganyan kasama ang daddy mo. Sa ganya niyang paraan nakuha ang yaman na meron kayo ngayon.." umiling-iling ako.



Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon