Chapter 20

154 8 9
                                    

Halos malapit na kami sa kinaroroonan ng party nung makasalubong namin sila Luke.


"Dude!" Sigaw nito.

Nagfistbomb sila ni Adam.

Sa likod nito ay ang iba pa nila kaibigan na nakita ko din sa office ni Adam kahapon and there's Clarence na nakatingin sa akin.

"I thought sa Bora kayo ngayon?" Tanong ni Adam.

"Nag-aya tong si Clarence dito. Libre niya daw so.." sagot nung isa nilang kasama.

Nagkatinginan kami nila Maurice at Daniel.

"C'mon guys, lets party na!" Sigaw ni Daniel.


Kumapit na siya kay Luke.

May nagbibigay ng glow in the dark na bracelet and necklace sa entrance.


Tuwang-tuwa sila Casey dito.


"Look guys, may glow in the dark paint din doon." Sabi ni Annalize tsaka tinuro yung sa may gilid.

"Wait lang ah.." paalam ko kay Adam. Sumama ako kila Daniel at nagpalagay.

Umorder na din kami ng maiinom.

We took some pictures na pinapakita yung glow in the dark na paint sa katawan namin.

"Wait, ipopost ko lang.." sabi ni Daniel.

Hindi ko dala yung phone ko so hindi ako makapag post.

Naka ilang shot kami sa counter bago bumalik sa cocktail table kung saan nandodoon sila Adam at ang mga kaibigan niya.

Pinakita ko kay Adam yung paint sa may tiyan at braso ko.

"Is it good?" Tanong ko.

Tinignan niya ito.

"It's perfect.." sabi niya.

Nag-init yung pisngi ko kahit alam ko naman na yung paint yung sinasabihan niyang perfect.

"Can I borrow?" Tanong ni Adan kay Luke na ang tinutukoy ay ang camera nito.

Inabot naman ito ni Luke.

"Kukuhaan kita.." sabi nito sa akin.

Umatras ako tsaka nagpose.

"One more.." sabi nito.

Gumawa pa ako ng ibang pose.

"Sama mo sila Daniel." Sabi nito kaya tinawag ko sila.

Pagkatapos ay sinilip namin yung mga shot.

"Ang cute!" Tili ni Casey.

Half an hour muna siguro kami uminom sa pwesto namin bago sumayaw.

Ramdam ko na ang hilo dahil kanina pa kami umiinom.


"Sayaw na tayo!" Aya ni Annalize.

Sumama ako sa kanila.

Kami-kaming mga babae ang sumasayaw.

Pinaikot namin yung mga bracelet namin katulad ng ginagawa ng ibang nagpaparty.

Kakasayaw ko ay dumoble yung hilo na nararamdaman ko.

Inabutan ako ni Daniel ng shot. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakukuha.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon