Chapter 11

162 6 8
                                    


Sumilip muna ako sa paligid bago lumabas ng kwarto ko.

Nung matiyak na wala si Adam ay nagmamadali akong bumaba.

Tumakbo ako papunta ng kusina. Umatras ako bigla nung makita si Adam na nagkakape doon.

"Where are you going?" Napapikit ako bago humarap kay Adam.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin.

We just had sex last night!!!!

"A-Ah..."

"Lillie!" Napatili ako nung biglang may yumakap sa likod ko.

Si Gaston pala.

Wala naman kaming napag-usapan na pupunta siya dito.

"Hi.." bati ko.

Tumingin ako Adam, tumingin din si Gaston dito.

"Oh, I thought my conference sa Davao," anito kay Adam.

"Si Ricky na ang pinapunta ko," sagot nito habang naglalakad papunta sa amin.

Kakabog-kabog ang dibdib ko nung nilagpasan niya lang kami ni Gaston.

"C'mon, Lillie. Baka pwede na tayong pumunta sa Lillie's Heaven.." aya sa akin ni Gaston.

Hinawakan niya ako sa braso para akayin palabas.

Tinignan ko si Adam habang papaakyat ng hagdan.

Diretso lamang ang tingin niya.

Tumalikod na ako para sumama kay Gaston.

Pero bigla akong napahinto.

"Wait lang.." awat ko.

Napahinto din si Gaston.

"I can't.." bulong ko.

"Huh? Anong you can't?" Tanong nito.

Hinawakan ko ang gilid ng palda ko.

"I-I think it's not right. I have a husband at hindi magandang tignan yung ginagawa natin.." paliwanag ko.

Nasilip ko na wala na si Adam.

Tumawa si Gaston.

"Does it matter? Arrange marriage lang naman kayo. Everybody knows that," anito.

Nasaktan ako sa sinabi niya.

Oo nga naman. Bakit ba bigla ay gusto ko maging loyal na asawa.

Bumuntong-hininga ako.

"Fine.." sabi ko tsaka tuluyang sumama sa kanya.




This time ay ulam naman ang sinubukan naming lutuin.

Hindi ko mapigilan na hindi isipin si Adam. Kung dati ay naiisip ko naman siya lagi pero ngayon ay parang ayaw niya na umalis sa isip ko.

"Hindi ka ba naboboring dito?" Tanong ni Gaston sa akin.

Tinignan ko siya.

"No. Bakit?" Takang tanong ko.

Nagkibit-balikat ito.

"You are only eighteen. Right now, you should enjoy your life but, here you are. Stuck in this castle.." lumapit ito sa akin at bumulong.





"...with a beast."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Puro ka talaga kalokohan. Syempre, ito ang kapalit ng pagbabalik ni Adam sa company ni daddy, ngayon masaya na sila dahil nabawi na nila yung pinagpaguran niya and that's because of Adam." Sabi ko.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon