Kinabukasan ay parang ayaw kong lumabas ng kwarto.Paano kung may isa na naman kila manong Ben ang wala at pinaalis ni Adam?
Tumayo ako at sumilip sa may bintana.
Maraming tao akong nakita. May ilang truck din sa may harap.
"Anong nangyayari?" Wala sa sarili kong tanong.
Labas-pasok sila sa gate na pinuntahan namin kahapon.
Lumabas ako ng kwarto para tignan iyon.
Pagbaba ko ay nakita ko si Lucita na may dalang tray na may juice.
"Lucita anong nangyayari?" Tanong ko.
"Naku Lillie. Grabe, ginigiba na yung sa may gate," anito.
"Ano?" Gulat kong tanong.
Tumakbo ako palabas.
Hindi ko makita sila manong Ben at Gerry.
Pumasok ako sa gate at namangha sa nakita ko.
Ibang-iba na ito sa garden na nakita ko kahapon.
Punong-puno na ito ng maraming halaman.
Pati yung garden shed sa gitna ay mukhang inayos at pinaganda.
"Lillie!" Tawag sa akin ni manang Teresita. Nasa gilid ito.
"Naku Lillie! Ang ganda na niya.." mangha nitong sabi.
"Oo nga po eh. Parang kahapon lang ay napaka walang buhay nito tapos.."
"Si Mr. Salvatore ang nagpaayos niyan.." napatingin ako kay manong Gerry.
Sabagay, wala namang ibang magpapagawa niyan kundi siya.
"Bakit po? Bakit niya pinagawa?" Tanong ko.
"Hindi ko din alam eh. Basta kahapon ay tinanong niya ako kung ano ang ginawa natin dito. Ang akala ko nga ay mapapagalitan ako pero pagkatapos kong ikwento sa kanya ay wala naman na siyang ibang sinabi tapos paggising ko nalang kaninang madaling araw ay may mga gumagawa na dito," kwento niya.
Natahimik ako.
Bakit naman kaya?
"Lillie!" Sigaw ni Lucita.
Patakbo itong lumapit sa amin.
"Sabi mo sinisira na ito?" Inis kong tanong pero ngisi ang binigay niya sa akin.
"Di kana mabiro. Siya nga pala ito oh, pinabibigay ni Mr. Salavatore. Alam mo bang muntik na akong mahimatay nung kausapin niya ako. Sobrang gwapo niya talaga at ang bango at ang laki ng katawan at ang tangos ng ilong. Nakita mo ba yung dimple ni—aray!" Inda nito nung kurutin siya ni manang Teresita sa tagiliran.
"Ang kire mong bata ka, nasa harap tayo ng asawa ni Mr. Salvatore, di kana nahiya!" Saway nito kay Lucita.
"Tiyang naman eh. Nagkwekwento lang.." angal nito.
Inabot ko yung dala niya. Puro catalog ito ng kitchen utensils.
"Pumili ka daw ng mga gusto mo dyan, sabi ni sir," anito sa akin.
"H-Huh? Para saan naman?" Takang tanong ko.
"Ilalagay daw dyan sa loob ng garden shed. Ewan ko, basta pumili ka nalang.." sabi ni Lucita.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.