Chapter 30

115 4 1
                                    

"Adam..." tawag ko.


Gabi na at nasa may veranda siya habang may hawak na mug.

Tumingin siya sa akin.

Naglakad naman ako palapit at sumandal sa may railings.

"Tell me..what are you thinking?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang tumawa.

"Kanina ay ako ang nagtatanong sa iyo niyan.." sabi niya.

Ngumiti ako.

"'Cause we cared for each other. So, what is it?"

Tumingin siya sa akin.

"Yung tingin mo sa akin kanina.." umpisa niya.

Mapaklang tawa ang pinakawalan niya habang umiiling-iling.

"I've been in this business for almost half a decade. Almost everyday I deny numbers of proposal without even blinking. I've calmly watched every business go banckrupt because of me." Tumingin siya sa akin.

"Sobrang dali lang sa akin nun..." bahagya siyang tumigil.

"I can party all night. I became a millionaire and don't need to give up my social life because I have a unique strategy and that is ruining other's life and then yung tingin mo sa akin kanina..."


Bahagya akong nagulat sa mga sinasabi niya.

"You looked at me like I'm a kind of murderer."

Mabilis akong umiling.

"N-No, Adam. That is not true." Tanggi ko.

Ngumiti ulit siya.

"It's okay. I understand you. You are so pure and innocent at hindi ka sanay sa mga ganoon bagay kaya, Lillie.." ibinaba niya yung mug na hawak niya at lumapit sa akin.

"That will be the last time na gagawin ko iyon. I will work hard and do business justly." Aniya.

Napanguso ako.

"Kahit alam kong mababawasan na yung oras mo sa akin ay gusto ko iyon. Gusto kong makilala ka ni baby bilang magaling at masipag na businessman. Gusto ko maging magandang halimbawa tayo sa kanya." Ani ko.

Bumuntong-hininga si Adam bago ako yakapin.

"Hay naku Lillie... you are so perfect. Do I deserve you?" Aniya.

Niyakap ko din siya.


"My yaya Cita once told me na may kabutihan sa bawat tao." Sabi ko.


Kinabukasan ay hindi na ako nasamahan ni Adam sa pakikipag meet kila Mr. Cabili at Mr. Dela Cruz. Babawi daw siya kay Mr. Concepcion sa hindi ko alam na paraan.

Ibinaba niya lang ako sa harap mismo ng cafe.


"I trust you, Lillie. Alam kong malalaman mo kapag sila ang may pakana. Remember, hindi lahat ng tao mabait. 'Kay?" Aniya. Tumango ako bago naglakad papasok.


Nakita ko yung dalawang lalaki na kasing edad ni daddy.

Lumapit ako sa kanila.

"Good morning po." Bati ko.

Tumayo naman sila.

"Are you the wife of Adam Salvatore?" Tanong nito.

Tumango ako.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon