Chapter 24

122 5 6
                                    

Nanood nalang kami ng movie ni Adam pag-uwi sa unit niya.

Bumili lang kami ng beer at donut sa labas.

Nagring yung phone niya kaya tumayo siya para sagutin.

"Yes?" Tanong nito.

Tumingin siya sa akin.

"I'm with Lillie.." aniya.

Nakinig lang siya saglit.

"Where?"

"I'll ask her first." Sabi niya bago binaba yung tawag.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Luke. Inaaya ako sa baba, skateboard daw. You want to come?" Tanong niya.

Mabilis akong tumango.

"Good." Aniya.

Kumuha lang siya ng jacket at pinasuot sa akin bago kami bumaba.

"What are you doing?" Tanong niya habang nakatingin sa dala kong donut.

"Why? Gusto ko pa eh." Ani ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

Nagmukha akong matakaw sa tanong niya.

"Don't get me wrong. Hindi ka mukhang matakaw, dapat sa labas nalang tayo bumili ulit kaysa magbitbit ka." Paliwanag niya.

Nanlaki yung mata ko.

Paano niya nalaman yung nasa isip ko?

"Okay lang no. Hindi naman ako maarte." Ani ko.

"I know." Sagot niya.

Sa may labas ng building naghihintay sila Luke. Nakita ko din sila Clarence at Daniel.

"Kinareer mo na si Luke ah." Bulong ko kay Daniel. Ngisi lang ang isinagot niya sa akin.

Naglakad kami saglit. May dala-dalang skateboard sila Luke.

"You know how to skate?" Tanong ko kay Daniel.

"Of course." Sagot niya.

Ngayon ko lang nalaman dahil more on clubbing kami before and travelling.

Sa kabilang kalsada sa harap ng building ay may park. Doon sila nagskateboarding nila Luke.

Pati si Adam ay nakisali na din.

He did some basic tricks. I know.

Pakiramdam ko ay ayaw niya masyadong magpasikat katulad ng ginagawa ni Clarence ngayon.

Lumapit si Adam sakin habang sakay ng skate.

"You wanna learn?" Tanong niya.

Bigla naman akong naexcite.

Tumayo ako.

Hinubad ni Adam yung safety gear niya tsaka isinuot sa akin.

Inapakan niya yung board tsaka ako pinaapak.

Di ko alam kung naka-ilang impit na tili ako dahil sa muntikan nang pagkatumba.

"Lillie!" Sabay kaming tumingin ni Adam kila Maurice.

Nasa loob sila ng sasakyan at papark na ata malapit sa amin.

"Puntahan mo muna sila." Ani sa akin ni Adam.

Tumango ako tsaka naglakad palapit.

Niyakap ko sila.

"How are you?" Tanong ni Casey.

"Magkaaway pa din ba kayo ng mga kuya mo?" Tanong naman ni Maurice.

Umiling ako.

"My brothers and I are cool." Sagot ko.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon