Dalawang araw pagkatapos ng graduation ay may natanggap akong message request sa messenger ko.
"Liza Vergilio?" Basa ko.
Familiar siya.
Binuksan ko ito.
"Good day po ma'am Lillie. alam ko pong hindi niyo ako kilala pero nakwento na daw po ako sa inyo ni Lolo Ben. Ako po yung pinag-aaral niya dati na apo. Gusto ko lang po sana sabihin na wala na po ang lolo. Kahapon lang po. Ang bilin niya po sa akin ay hanapin ko po kayo at sabihin dumalaw daw po kayo sa burol niya. Kahapon ko pa din po kayo hinahanap sa facebook at sana po mapagbigyan niyo ang hiling ng lolo ko."
Matagal bago nagsink in sa akin yung nabasa ko.
Nung hindi ko na kinaya ay bigla akong naiyak.
"Lillie?" Tanong ni Maurice pero iyak lang ako ng iyak.
"What's happening? Bakit ka umiiyak?" Tanong nito.
Tinignan ko siya at umiyak ulit.
Pinunasan niya yung pisngi ko.
"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong niya ulit.
"W-Wala na si manong Ben.." ani ko sa pagitan ng pag-iyak.
Naikwento ko na sa kanya sila manong Ben, Gerry at manang Teresita.
Ilang oras din akong umiyak.
Kinailangan pa akong ilabas ni Maurice para mapatahan.
"Anong balak mo?" Tanong niya. Nasa isang coffee shop kami ngayon.
"Uuwi ako ng Pilipinas. Kailangan ko siyang madalaw." Sagot ko. Medyo ngongo pa ako dahil sa pag-iyak.
"Kailan?"
Tinignan ko siya.
"Bukas na. Nagpabook na ako kay kuya kanina. Sasabay ako kila mommy sa pag-uwi." Sagot ko.
"Agad-agad? Hindi kita masasamahan niyan dahil may lakad pa kami ni mommy." Ani ni Maurice.
Nginitian ko siya.
"Okay lang. Kaya ko na naman eh." Sagot ko.
Kinabukasan nga ay lumipad na kami nila mommy pauwing Pilipinas.
"Ito pala ang makakapag-pauwi sayo, bunso." Sabi ni kuya Liam sa akin nung nasa loob na kami ng eroplano.
Ngumuso lang ako tsaka sumandal sa balikat niya.
Nasa harapang seat namin sila mommy.
Ginising ako ni kuya nung malapit na kaming lumapag.
Pinipilit kong huwag isipin yung mga bagay na nagpapasakit lang sa dibdib ko.
Pinaiwan ko lang sa bahay yung ibang gamit ko.
"Mag-eroplano ka nalang kaya, bunso. Masyadong mahaba ang byahe papuntang bicol." Nag-aalalang sabi ni mommy.
"It's okay, mom. Sanay ako sa mahabang byahe at ayaw kong magcommute doon." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.