Chapter 31

176 7 1
                                    

Kinabukasan ay hindi inaasahang tawag ang natanggap ko.


"This is Attorney Dignos.." napaayos ako ng upo sa narinig ko sa kabilang linya.


"H-Hello..." parang nanuyo ang lalamunan ko.


Pagkatapos ng tawag niya ay mabilis akong nagbihis at pumunta sa opisina ni Adam.


"Nasa meeting po siya ngayon, Mrs. Salvatore." Sagot nung lalaki niyang secretary nung magtanong ako.

"Sige, maghihintay nalang ako sa loob." Ani ko.

Pinagbuksan naman ako nito ng pinto.

Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay si Adam.


Wala pang limang minuto nung pumasok siya.

"Tapos na yung meeting niyo?" Tanong ko.

"Anong problema?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Itinayo niya ako at niyakap.

Natawa ako.

"Calm down. May sasabihin lang ako." Awat ko sa kanya.

"What is it?" Tanong niya nang hindi pa din ako binibitawan.

"Si Attorney Dignos tumawag sa akin." Ani ko.

Medyo inilayo niya ako.

"What did he says?" Tanong nito.

"Makikipag kita daw siya. Mamayang 3 pm."

"Okay. Sasama ako. I'll just cancel my meetings." Anito.

"Huwag na. Kaya ko naman." Awat ko. Gusto ko lang malaman niya yung tungkol dito.

"No, sasama ako." Aniya tsaka lumabas at kinausap yung secretary niya.

Bumalik ako sa pagkakaupo.

Nireplyan ko lang yung text ni mommy. Si kuya Liam kasi ang naghatid sa akin dito sa opisina ni Adam. Tinatanong nito kung nakarating ba ako ng maayos.


Bumalik si Adam habang hinuhubad yung suit niya.

"Did you eat already?" Tanong nito.

Halos 12 pm na din pala.

Umiling ako.

Kinuha niya yung bag ko.

"Sa labas na tayo kumain." Sabi niya tsaka kinuha yung kamay ko.

Paglabas namin ay nakatingin lahat ng empleyado ni Adam.

I feel guilty dahil ni hindi ko man lang sila kilala, naturingan pa man din akong asawa ng boss nila.

Sa isang mall kami pumunta ni Adam.

Hinayaan niya akong pumili ng kakainan namin.

"Pansin mo ba?" Tanong niya habang kumakain kami.

"Pansin ang?" Takang tanong ko.

"Ayaw ng tadhana na magkalayo tayo. Kung kailan naisipan nating mag i-stay ka muna sa bahay niyo ay tsaka naman dumarating yung ganito." Paliwanag niya.


"Naniniwala ka sa tadhana?" Pigil tawa kong tanong.

"Why? Ano naman kung naniniwala ako?" Takang tanong niya.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon