Kinabukasan ay sinundo ako ni attorney sa motel na tinulugan ko.
"Kung alam ko lang na dito ka matutulog ay binook sana kita sa isang maayos na hotel. Magagalit si Mr. Salvatore kapag nalaman ito," ani niya pagkapasok namin ng sasakyan.
"Hindi po kasi kasya sa pera ko ang maghotel," sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa.
May ibinigay siyang malaking box na puti sa akin at isang paper bag na may tatak ng isa sa mga paborito kong shoe brand.
"Isuot mo iyan. Ibababa kita sa isang salon para magpa-ayos," ani nito. Tumango naman ako.
Bigla ay nakaramdam ako ng kaba.
Magpapakasal na ako sa lalaking hindi ko pa nakikita. Sinubukan kong isearch si Mr. Salvatore ngunit hindi ako makakita ng picture niya.
Dalawang oras akong inayusan sa salon tsaka ulit sinundo ni attorney.
Sa byahe ay kung ano-anong bagay ang mga pumapasok sa isip ko.
Sila mommy, si Mr. Salvatore, yung pag-aaral ko.
"You know what..you're such a brave young lady for sacrificing for your family.." ani ni attorney.
Tinignan ko lang siya saglit.
Sa isang building kami bumaba. Sinamahan ako ni attorney hanggang sa kwarto kung saan mangyayari ang kasal.
Nauna ako kaysa kay Mr. Salvatore kaya naghintay pa kami ng ilang minuto.
May isang babae at isang lalaki ang nandoon bukod sa judge.
Maya-maya ay bumukas na yung pintuan.
"Let's start. And make it quick, I'm busy.."
Mabilis akong napatayo pagkasabi niya nun.
Napakurap pa ako ng ilang beses para masigurado kung tunay nga ang nakikita ko.
Naging aligaga din yung mga tao sa paligid. Kahit si judge. Ganun ba siya kaimportanteng tao?
"Stop staring.." natauhan lang ako nung sinabi niya iyon. Mabilis kong ibinaling yung tingin ko sa judge.
Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Yung pagsasalita niya, nakakatakot.
Napaka maawtoridad ng tayo niya.
Pero...
Masyado siyang bata tignan para sa kung ano siya ngayon.
Ang naisip kong Mr. Salvatore ay matanda, may katabaan at puti na ang buhok.
Pero yung lalaking kaharap ko ngayon ay...
"Ms. Lillie?" Napakurap-kurap ako.
"Yes po?" Hindi ko nasundan yung sinabi ng judge.
Inulit niya yung tanong. Nakaramdam naman ako ng hiya sa nangyayari sa akin.
Parang nagkakagulo yung sistema ko. Hindi ko alam kung paano nangyari yung kasal.
Basta ngayon ay nasa sasakyan ako at ihahatid na sa bagong bahay na titirhan ko.
BINABASA MO ANG
Beauty And Her Beast
General FictionHe's a beast in business world. She's a beauty in his world.