Chapter 3

182 10 1
                                    

"Sabi ko naman sayo bunso hindi mo na kailangan magbenta ng cookies mo. Kaya pa naman namin ni dad ang mga gastusin dito sa bahay," ani ni mommy habang nanunuod sa akin magrepack.

"Okay lang po, mom. Besides, nag eenjoy din ako sa pagbebenta. Nasasarapan po sila sa bake ko at marami pa akong nagiging kaibigan," ani ko.

Nakita ko ang pagngiti ni mommy. Although, mas madalas na ang pag-aaway nila ni daddy ay pinipilit pa din naming maging normal ang lahat.

"Thank you bunso ah... yung ibang mga anak kasi ng kakilala namin ng daddy mo, noong nalugi din yung business nila ay siya ding pagrerebelde ng mga anak nila. Hindi matanggap o ikinahihiya ang biglang paghirap," Ani nito.



Hinawakan ko si mommy sa kamay.

"Okay lang po. Mas gusto ko din ng ganito. Lagi ko kayong nakakasama nila daddy. Lagi tayong buo tuwing dinner. Maybe the reason why our business broke is to make our family whole again," sabi ko.

Naiyak ata si mom sa sinabi ko. Niyakap niya ako. Nakaramdam ako ng paninibago dahil hindi naman clingy type na mom siya.

"Sobrang bait mo bunso. Maswerte ang mapapangasawa mo," ani niya.

Napangiwi ako nung maghiwalay kami.

"18 pa lang po ako para dyan," sabi ko.






Pumasok na ako sa school dala-dala yung mga order sa akin na cookies.

Naka-upo kami ni Maurice dito sa may bench habang naghihintay.

"Alam mo, sumali ka na sa pageant sa foundation day. Malaki yung prize, hindi ba't gusto mo kumita. Baka kaya namove yung celebration ay dahil para sa iyo talaga iyon," ani nito.

Napa-isip din ako.

Malaking halaga nga ang magiging premyo. Makakabayad na kami ng mga bills sa bahay.

Siguro naman ay papayagan na ako nila kuya.

"Maganda nga yang ideya mo. Sige, mamaya pag-uwi ay magpapaalam ako kila kuya. Tutal may mga naitabi naman akong gown sa bahay," sabi ko.

Hinampas ako ni Maurice.

"Anong luma? H'wag mo nang suutin yun. Ako na ang bahala sa mga gagamitin mo no. Sagot ko na iyon," ani niya.

"Naku, huwag na. Nakakahiya naman sayo. Ayos naman na sa akin yung mga dati kong gown," pagtanggi ko.

"Alam mo, laking yaman ka naman pero bakit ang kuripot mo? Basta ako na ang bahala," pagtatapos nito.

Tinotoo niya nga ang sinabi niya. Dumating yung pageant na wala man lang akong nagastos na kahit magkano. Si Maurice ang umasikaso sa lahat.

Nung pageant na ay kompleto ang buong pamilya ko. Lalong lumakas yung loob ko dahil simula grade school ay halos puro mga yaya ko lang ang umaattend sa mga school activities ko.

Hindi ko nadisappoint sila daddy dahil nakuha ko yung title.

"Sabi ko naman sayo Lillie, mananalo ka!" Sigaw ni Maurice pagkababa ko.

"I'm so proud of you, bunso," bati sa akin ni daddy. Sobrang laki na ng itinanda niya simula nung magkaroon kami ng problema.

"Thank you dad, mom and kuyas," ani ko.

Kumain kami sa labas gamit yung napanalunan ko.

Sobrang saya ko dahil nagtutulong-tulong kami para maka survive.














Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon