Chapter 12

148 6 4
                                    


"Mom stop crying..." awat ko kay mommy nung nasa loob na kami.



Tumawa sila kuya.


"Sorry, I can't help it. I missed you so much, bunso," sabi niya tsaka ulit ako niyakap.


"I thought hindi ka na maibabalik sa amin.." sabi ni dad.

Napayuko ako.

"Sorry, dad.." ani ko.


"Naiintindihan ko naman na gusto mong tumulong, bunso pero..." anito tsaka napa-iling.


"Ilang beses naming pinuntahan si Salvatore doon sa opisina niya para bawiin ka pero pinakitaan niya lang kami ng kontrata ng kasunduan niyo at marriage contract.." ani ni kuya Leon.



"Kahit na nung bumalik yung business partner ni dad at naibalik lahat ng pera at dokumento sa atin ay hindi ka pa din ibinalik ni Salvatore. Nagbanta kaming magdede—"


"Wait lang po.." putol ko.


"Bumalik yung business partner niyo? Pati yung mga pera at documents?" Takang tanong ko.

Tumango sila mom.

"So, ibigsabihin ay hindi si Adam ang nagbalik sa inyo ng kompanya?" Tanong ko.

Umiling si dad.

"Hindi natuloy. Magkakapirmahan na sana kami nung tumawag ang kabusiness partner ko. He has been in an accident at nacomatose at walang nakakakilala sa kanya doon sa lugar na iyon so it took him a couple of months bago makabalik. Sinabi ko na babawiin ka namin dahil hindi naman natuloy ang deal.."

"Don't get us wrong, bunso.. may plano na kami nila daddy na once makabawi kami ay babawiin ka kaagad namin kay Salvatore. Hindi lang kami makalaban dahil walang wala tayo noon. Pero sinabi niya sa amin na alam mo na pero ayaw mo na daw bumalik sa amin." Paglilinaw ni kuya.


Hindi makaya ng utak ko yung mga nalaman ko.


So, all this time ay hindi naman dapat ako nakulong sa bahay ni Adam.

Pwede na pala ako umalis anytime.

"Sinabi namin na magdedemanda kami pero ang sabi niy a ay bibigyan ka lang namin ng stress at baka matrauma kapa dahil sa demandahan and he even gave us a picture of yours na masaya sa bahay niya." Dagdag ni kuya Leon.

"Nakita ka namin sa isang depot kasama siya. Gusto ka sana naming lapitan but you look okay with him. Nakita namin yung glow mo kaya naisip namin na hindi ka naman ata niya kinukulong kasi kung ayaw mo sa kanya ay tumakas kana nung hindi siya nakatingin sa iyo.." si kuya Lancer.


Naalala ko yung araw na iyon.


"He never told me na hindi na natuloy ang deal.." nanghihina kong sabi.

"That Salvatore is a devil. Itinago ka niya sa amin at hinayaang mahinto sa pag-aaral para lang sa pansarili niyang kapakanan." Sabi ni dad.

"Mas matanda pa ako sa kanya pero mas lamang ang pagkatuso niya. I am not surprise kung bakit ganyan siya kayaman. Mahilig siguro siyang manloko at manlamang ng tao." Sabi naman ni kuya Liam.

Hindi ko alam kung manlulumo ba ako o ano.

Napaka talaga ni Adam..


Napaka niya..


Nagpaalam ako kila mommy na magpapahinga muna ako.


Nanghihina ako sa mga nalaman ko.







Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon