Chapter 9

152 7 11
                                    

Hindi ko na alam kung anong oras ako dinalaw ng antok kaya nalate ako ng gising.


Alas diyes na ako nagising. Alas otso ang usapan namin ni Gaston.


Mabilis akong tumalon sa kama at bumaba.

Nakita ko si Gaston na naka upo sa sala. Kausap si Adam.

"Sorry! Nalate ako ng gising..." nag aalala kong sabi.

"Mukhang napuyat ka kagabi ah," biro nito.

Napatingin naman ako kay Adam. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Bigla ay nahiya ako.

Naalala ko din kung ano ang ayos ko ngayon napahawak ako sa buhok ko.

"Hala! Wait lang maliligo lang ako.." paalam ko tsaka tumakbo paakyat. Narinig ko pa ang tawa ni Gaston.

Kinuha ko yung damit sa sewing mannequin pagkatapos ko maligo.

Bumaba kaagad ako pagkatapos.

Nakita ko na magka-usap pa din yung dalawa.

"Andyan na pala yung the best pastry chef sa buong mansion mo.." natawa ako sa sinabi niya.

"Malamang ako talaga ang the best kasi ako lang naman ang nagbebake dito.." Balik ko.

Tumawa naman si Gaston. Nakakahawa talaga yung masayang aura niya.

"C'mon, punta na tayo sa Lillie's Heaven.." aya ni Gaston.

Tumango naman ako.

"Gusto mong sumama, Adam?" tanong niya

"No, thanks." Sagot nito tsaka umakyat sa taas.

"Okay..." tatawa-tawang ani ni Gaston.

Lumabas na kami ng bahay para pumunta sa may gate pero sarado ito.

"Manong Ben, bakit po nakasarado yung gate?" Takang tanong ko.

"Naku, pinasara po ni Mr. Salavatore iyan kanina. May ahas daw po kasi siyang nakita. Mamaya po ay may pupunta dito para hanapin yung sawa. H'wag daw po kayong papapasukin, delikado," paliwanag nito.


"Huh? Ahas?" Takang sabi ko.

"Really? Ahas?" Rinig ko bulong ni Gaston tsaka ito tumawa.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Nothing..." sabi nito.

"Naku, pasensya na. Sa loob nalang tayo ng bahay. May mga ingredients pa naman ako doon," sabi ko.

Pumasok ulit kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina.

"Naka-ilang boyfriend kana?" tanong ni Gaston.

"Hindi pa ako nagkakaroon," sagot ko. Busy kami ngayon sa paghahalo ng mga sangkap.

"So, first mo si Adam?" tanong niya.

Bigla ko na naman naalala yung nangyari kagabi.

Nag-init yung pisngi ko.

"You're blushing.." sabi nito sa akin.

"Hindi ah!" pagtanggi ko.

"Wala ba kayong work ngayon ni Adam?" Pag-iiba ko.


"Wala. Hawak naman namin ang oras namin. Si Adam lang itong dedicated sa kompanya kaya halos hindi na umuuwi," sagot nito.

Napatango ako.

Pagkatapos namin magbake ay lumipat kami sa sala para manuod ng movie. Wala pa kaming sampung minuto naka-upo ay dumating si Lucita na may dalang vacuum.

"Ma'am Lillie, excuse me po. Pinapalinis po kasi ni sir Adam itong buong sala.." nakangiwing paalam nito.

"What? Eh nanunuod kami.." ani ko.

"Eh utos po kasi ni Mr. Salvatore. Baka tanggalin ako nun kapag hindi ko sinunod." Sabi nito. Wala kaming nagawa ni Gaston kundi lumipat sa may pool area.

Nagtatawanan kaming dalawa nung dumating naman si mang Gerry.

"Lillie, pinapalinis ni Mr. Salvatore itong buong pool area." Paalam nito.

"General cleaning ata dito sa bahay niyo," ani ni Gaston.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. Kanina pa kami palipat-lipat. Nakakahiya na.

Naka-isip ako ng ideya.

"Tara, itotour nalang kita sa garden sa harap," Aya ko kay Gaston kaya lumabas kami at pinakilala ko siya kila mang Gerry at Ben.

"Sila pala si mang ben, ang chief executive gardener." Ani ko tapos ay kay mang Gerry naman ako humarap.

"Ito naman si mang Ben ang assitant gardener.."

"Mang Ben, mang Gerry, I like you to meet Gaston may Official taster.." nagtawanan naman silang tatlo.

"Ganyan yan talaga si Lillie, mahilig magbigay ng position. Pakiramdan tuloy namin ay napaka taas ng trabaho namin.." sabi ni mang Ben.

"Puro kalokohan talaga to si Lillie." Sabi ni Gaston.

Pinasyal ko siya sa buong garden. Sinabi ko sa kanya yung mga iba't-ibang orchid doon.

Nakakatuwa na mahilig din pala siya sa mga halaman.

Halos pagabi na nung umuwi si Gaston. Mabuti nalang at may extrang tee shirt siya dahil sobrang dumi namin pagkatapos tumulong kila manong Ben.

Nagpahinga muna ako sa sala.
















Naramdaman ko yung pag-angat ko.

Masyado pa akong antok para pansinin iyon.


"Masyado ka na naman nag-enjoy kasama si Gaston.."



Pagdilat ko ay nasa loob na ako ng kwarto.

Tinignan ko yung orasan. Tama lang para sa dinner namin ni Adam.

Pero paano ako nakarating dito sa kwarto?

Nakita ko yung sewing mannequin na may yellow dress na naka suot.

Tumayo ako para lumapit doon.

"Ang ganda.."


Off shoulder ulit ito. Pero tingin ko ay ito na ang pinaka maiksing dress na ipapasuot sa akin.

May slit ito sa gitna ng dibdib. May slit din ito sa likod.

Nilingon ko yung napaka taas na heels sa lapag. Kulay black ito.

Naligo na ako at nag-ayos.

Katulad ng mga laging nasa sewing mannequin ay saktong-sakto ito sa katawan ko.

Napansin ko din ang malaking pagbabago sa katawan ko. Halos ilang buwan na din akong nagwowork out. Lumaki na din ang pang-upo ko. Mas lumaki din yung dibdib at balakang ko.

Sinuot ko na yung heels at nagpabango na.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa dining area.

Katulad ng unang gabi ko dito ay napaka raming pagkain sa lamesa. Nagsisilbing ilaw ang mga kandila.

Naka tuxedo ulit si Adam ang kaso ay may hawak na siyang black rose ngayon.

Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa at siya yung prinsipe ko.

Lumapit siya sa akin at inabot ito.

"For you..." ani niya.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon