Chapter 25

122 5 5
                                    


Pagkatapos namin sumayaw ni Adam ay nagpaalam ako sa kanya na pupunta lang ako ng comfort room.

Sa hallway ay nakasalubong ko si Gaston.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Matalim ko siyang tinitigan habang naglalakad papalapit.

"You and Adam reminds me of Beauty and the Beast. You know...Belle and the beast." Sabi nito habang may nakaka-inis na pagtawa.

Tumigil ako sa harap niya at humalukipkip.

Nakita ko ang pagtaas niya ng kilay.

"Ang pagkakaiba nga lang, he looks good at the outside at the beginning of your story but in the end, you will see his true color." Anito tsaka naglakad palayo.

I feel strange.


Hanggang makabalik sa table namin ay madaming gumugulo sa isipan ko.

"I can't see you tomorrow. May pupuntahan ako sa Ilocos." Sabi niya nung kumakain na kami.

Tinignan ko siya.

"Can I come with you?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Maboboring ka lang doon." Sabi niya.


"I want to come."

Tinignan niya ako.

"Okay, if that's what you want."

Sinabi kong sa bahay ako matutulog. Nung una ay ayaw niya pumayag pero nagsabi akong doon ako pinapatulog nila daddy.

"Hey!" Sagot ni Maurice sa kabilang linya.

"Are you guys free tomorrow?" Tanong ko.

"Hmm, yes. Nextweek pa ang flight namin." Sagot niya.

"Sama kayo sa Ilocos Norte." Aya ko.

"Wow! Sure. Sasabihan ko sila Daniel. Actually, nag-iisip talaga kami ng mapaglilibangan before umalis." Sabi nito.

Tinawagan ko din si Adam para sabihin dito. Okay lang naman daw sa kanya. He even volunteered to but them tickets.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis.





"Are you okay?" Tanong ni Adam nung naka-upo na kami.

Tinignan ko siya bago tumango.

"You sure?" Tanong ulit niya.

Pagod akong tumingin sa kanya.

"I said, I'm okay." Iritable kong sabi.

Bigla itong tumawa.


"Ang sungit mo." Sabi niya. Hindi nalang ako sumagot.

Nakarating kami sa Ilocos nang tulog ako.

Sa labas ng Laoag Airport ay may mga sasakyan nang naghihintay sa amin.

Dinala kami nito sa isang desyerto. May mga tao na din na nandito.

"Cool!" Ani ni Annalize.

Nagsikanya kanya na silang selfie.

Bumaba kami ni Adam.

Lumapit siya sa mga lalaki na nandoon at nakipag-kamay.

"Where is Dean?" Tanong niya pagkatapos ako ipakilala.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon