Chapter 6

176 9 12
                                    


Naka-upo lang ako sa may bench dito sa hardin habang nakatanaw kay mang Gerry at Ben.

Gusto ko ulit tumulong sa pagdidilig pero takot akong mahuli ni Adam.

"Mang Ben..." tawag ko.


Saglit itong lumingon sa akin.


"Bakit?"

"Napapaisip po ako tungkol kay Adam. Bakit kaya kinailangan niya pa ako bilang asawa? Eh hindi naman niya ako laging pinapansin. Sabi sa kontrata, kailangan kong umattend sa mga events na dinadaluhan niya pero halos dalawang buwan na ako dito pero never pa din po ako nakakalabas sa gate na yan," ani ko.

Huminto si mang Ben sa ginagawa niya.

"Alam mo, dalawang taon na akong nagtratrabaho dito at kahit isang beses wala akong nakita na kamag-anak niyang pumunta dito. Masyadong busy ang batang yan sa negosyo niya. Gigising, magtratrabaho tapos ay uuwi ng gabi, kakain mag isa sa napaka laking lamesa tapos ay matutulog na naman ulit. Siguro ay gusto niya lang ng kasama sa buhay kaya ganun. Kaya ikaw.." sabi niya tsaka ako tinuro.

"Hangga't kaya mo ay iparamdam mo kay Mr. Salvatore na may kasama siya dito sa bahay. Dapat araw araw siyang maging sabik umuwi dito kasi alam niyang may isang asawa siyang uuwian," payo nito.

Napa ngiwi ako sa sinabi ni mang Ben.

"Ang hirap naman ho ata nun. Eh halos kainin ako ng buhay nun kapag nagkikita kami," sabi ko. Tumawa naman silang dalawa ni Mang Gerry.


Nakita kong paparating na yung kotse ni Adam kaya mabilis akong tumayo.


Huminto yung sasakyan niya sa harap ko at ibinaba yung bintana nito.

"Naka-upo lang ako dito ah. Hindi ako nagdudumi," paliwanag ko.

Baka isa na naman kila Mang Gerry ang paalisin niya.

Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti tsaka umiling-iling. Pina-andar na niya yung sasakyan niya.

Napanguso ako.

"Baliw talaga..." bulong ko.


Maaga ata siya ngayon.


4 pm palang.

Napatingin ako sa isa pang gate na nakasarado.

"Manong Ben, ano po ba yung nasa loob nun?" Tanong ko habang nakaturo sa gate.


"Yan ba? Wala naman. Extension lang yan ng lupain ni Mr. Salvatore pero hindi pa napapagawa.." paliwanag niya.


"Pwede po ba akong pumasok dyan? Matagal na po kasi akong nacucurious.." ani ko.

"Naku, baka mapagalitan na naman tayo ni Mr. Salvatore.." nag-aalangan na sabi nito.



"Hindi po yan. Akong bahala. Pahiram nalang ng susi.." pangungulit ko.



Nakita ko pa din ang pag-aalangan nila.


"Mga manong kargo ko to. Sige na naman! Para naman kahit papaano, lumawak yung napupuntahan ko.." ani ko.


Sa dulo ay pinag-bigyan naman nila ako.


Hindi nila ako hinayaang pumasok mag-isa kaya sinamahan nila ako kahit sabi kong ako nalang.



Isang malawak na hardin lang din ito pero halos mga damong-ligaw lang yung nandito.


May nakita akong maliit na parang bahay-pahingahan. Open-space ito.


Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon