Chapter 2

202 10 0
                                    


Tatlong araw pa ang nagdaan at talagang mas lumala pa ang nangyayari sa bahay. Napansin namin nila kuya Leon ang unti-unting pagkabawas ng mga gamit sa bahay. Yung kotse ni kuya Lancer ay tuluyan na ding nawala.

Linggo at wala akong pasok. Maaga palang ay gumising na ako para tulungan si manang Cita magluto ng breakfast.

"Good mornin—," walang manang Cita sa kusina kaya lumabas ulit ako at umikot sa garden.

Wala din siya doon.

Lumabas ako sa sala at nakitang kasama siya nila mommy.

Palabas sila ng front door habang may hawak na maleta.

"Saan po kayo pupunta, manang?" Tanong ko.

Lahat sila ay napatingin sa akin.

Nakita ko ang paglungkot ni manang nung makita ako.

"A-Ano..." tumingin ito kay mommy.

"She will visits her grandson sa probinsya nila. Babalik din naman siya nextweek," paliwanag ni mommy.

Tumingin ako sa maleta. Puno iyon kaya malabong isang linggo lang siya mawawala.

Lumunok ako tsaka tumango.

"G-Ganun po ba? Mag-iingat nalang po kayo at tsaka pasalubong na din," ani ko tsaka pilit na ngumiti.

Sumama na ako sa paghatid sa kanya sa gate. May taxi na naghihintay doon.

Pinilit kong itago na naiiyak ako. Ayaw kong makadagdag sa problema nila mommy.

Yumakap si mommy kay manang. Ganun din sila kuya.

Simula kay kuya Liam ay si manang Cita na ang nagsilbing mayordoma namin.

Napaka giliw nito kaya parang hindi na siya iba sa pamilya.

Tumingin siya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya.

"Mag-iingat ho kayo, manang," ani ni mommy. Halata din na pinipigilan niya ang pag-iyak.

Nauna na akong pumasok sa bahay para magluto ng breakfast. Maya-maya lang ay pumasok na din si mommy.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya kasunod niya sila kuya.

Pinilit kong ngumiti.

"Isang linggong mawawala si manang kaya dapat matuto muna tayo na magluto ng kakainin natin," ani ko. Pinilit kong pasiglahin yung pagkakasabi ko.


"Ang galing talaga ng bunso namin," sabi ni kuya Lancer tsaka ginulo yung buhok ko.

"Sarapan mo bunso ah," sabi pa ni kuya Leon.

"Ano ka ba eh lagi namang masarap ang luto ni bunso," sabi naman ni kuya Liam.

"Palakas ka ah!" Reklamo ni kuya Lancer.

Nagkatawanan kami.

Pati si mom ay nahahawa na sa kalokohan ng mga kuya ko.

Pinagpatuloy ko na yung pagluluto.



I guess we can still be happy even without that wealth we used to have.






Kinagabihan ay naisipan kong magbasa sa may veranda ng kwarto ko.

Nagdala ako ng kape at nagsuot ng sweater.



Tiningala ko ang langit.

Napaka ganda nito. Yung mga bituin..ang dami nila.

Beauty And Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon