Kabanata 5

281 12 0
                                    

"Chester!" nauuna na akong lumalakad sa gagong ito. Maraming tumatawag sa kanya sa mall na 'to.

Peste talaga. Ano akala niya sa akin cheap na hindi palaging pumupunta sa mall na to?! Sobrang yaman nga pero kuripot naman. Date sa mall? WOW.

And what do I expect? I don't like this idea either.

"Chester!" napatigil ako sa paglakad ng marinig ko ang boses na iyon.

The girl who hates me so much. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko naman siya inaano pero simula ng grade school kami ay ang maldita niya sa akin.

Sa pagkakaalam ko, best friends daw sila ni Chester na dalawa. They were classmates since they were in pre-school. Hanggang grade 5 ko lang naman classmate si Betty dahil nag transfer siya ng city nun, but Chester and her are still best friends. Ang clingy niya kaya.

"Betty." tawag ni Chester.

Na sa tabi ko na si Chester. Betty ran to him and hugged him na para bang dekada hindi nagkita ang dalawa. I know they are seeing each other, they are not losing touch. Si Betty Cruz pa ba? Noon, napagkwentohan namin ni Lora at JJ si Betty, friends naman kami ni Betty sa facebook at nag po-post siya ng picture nila ni Chester at minsan nag sta-status siya about Chester. Sabi namin, gusto niya si Chester at sobrang obvious naman talaga.

"May binili lang akong requirements! Mabuti nakita kita. Tapos na ba ang lakad mo? Tara lunch tayo!" sabi ni Betty na para bang hindi niya ako nakikita dito. O talagang hindi pa niya ako nakikita dahil nakatuon ang pansin niya sa best friend niyang si Chester.

"I am with Zoe." Chester said. Betty's jaw dropped and slowly stared at me.

I smiled and waved my hand.

She winced. "Ah..."

What?

Bakit ba ang init ng dugo ng babaeng ito sa akin simula noon? Hindi naman kami close ah. Hindi ko naman siya tinatarayan. Hindi ko nga nila-like posts niya sa facebook eh.

"Saan kayo?" she tried to smile in front of Chester.

"We're on a date." nakangising sabi ni Chester.

Is he dense or what?

"Huh?" Betty.

"We're---"

"We just bumped into each other. Sige, mauna na ako. May bibilhin pa ako." sabi ko at mabilis na umalis doon.

I heard Chester called me pero hindi ko siya nilingon. Lumikod naman ako at napatingin ako sa pwesto nila. Nakatayo pa rin si Chester doon at nakatingin sa pwesto ko habang si Betty ay malaki at totoo na ang ngisi sa labi at nakakapit kay Chester. I walked faster.

May kung anong naramdaman naman ako sa puso ko. Ano ba 'to? Ang weird.

My phone kept on vibrating.

Pest

That's Chester's name on my phone.

Pest: Where are you at?

Hoy monkey.

The fuck was your problem? Were you jealous?

Hindi ko alam pero may kung ano sa akin na gustong mag reply sa last text niya. Kahit 10 minutes late na ito.

Anong jealous? Asa ka, boy!

Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko nga gusto ang gagong yan eh!

Pumasok naman ako sa isang boutique. Mamimili na lang ako ng damit. Stress reliever.

Halos 20 minutes akong naghanap at puno na ang basket ko.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon