Kabanata 26

236 8 0
                                    

Having a healthy relationship has alot of perks. Palaging pinupuna nila JJ sa akin na ang blooming ko daw at iba ang aura ko.

"Oh ayan na naman. Naka dress na naman." natatawang sabi ni JJ. "Iba talaga kapag may Chester Chavez eh." puna na naman nito.

"Ewan ko sa inyo." sabay irap ko dito.

Maybe 50% they are right. Ayaw kong mag mukhang pulubi kapag kasama si Chester no. Kung pwede ko lang ipaligo mga branded kong pabango para sobrang bango rin ako kagaya niya ay gagawin ko. 

I took my phone when it vibrated.

Palagi talagang naiiwan ang amoy mo sa sasakyan >:) parang ayaw kong umalis dito.

Natawa naman ako sa text ni Chester sakin.

Baliw. Andito na prof namin. See you later. I love you, ingat ka diyan.

He has no class in the morning. Sinundo niya lang ako sa bahay at hinatid. Mamaya pa ang klase nito at classmates na kami doon.

Kinikilig talaga ako oras oras. Kahit wala namang ginagawa si Chester ay kinikilig ako. Ganito pala talaga ang feeling ng totoong pag-ibig.

There was a day when he didn't want to change his bed sheet. Prelims iyon at hindi ganoon ka hectic. Palaging twelve noon ay tapos na ang exam kaya doon kami sa kanila nag mo-movie marathon. It was four days straight when we were both in his room, I slept there and laid down in his bed. Ayaw niyang palitan ang pillowcase niya dahil andoon daw ang bango ng buhok ko. Pinagalitan na daw siya ni tita Aleena pero ayaw pa rin daw niya.

Like seriously? Ganoon rin pala kabaliw ang isang Chester Chavez sakin. Something that I need to be proud of.

Sabay kaming dalawa ni JJ kumain ng lunch. Lora and Kevin need some time together kaya hinayaan namin muna.

Sumasakit na ang panga ko sa kakatawa kay JJ dahil ginagaya niya ang isang prof daw nila. Sinabihan niya ako kung ano ka bangag daw ang mga ka-klase niya at ang lakas ng trip sa buhay.

"Maloloka ka talaga, Zoe! As in!" sabay hawi ng bangs niya.

"Mabuti at di ka kasali sa kanila?"

"Gaga! Ang bad mo!" 

Sinabihan ko naman si Chester na na sa cafeteria lang kami ni JJ at papunta na daw siya.

"Eh? Anniversary niyo?"

"Huh?" nginuso naman ni JJ ang bukana ng cafetera at napalingon ako doon.

Tumaas naman ang dalawang kilay ko ng nakita ko doon si Chester pumasok na may dala-dalang bouquet ng bulaklak. There are some girls looking at him and some looking at me. Why? It is an honor to be Zoe Kristina Mendoza.

JJ waved his hand to get Chester's attention. I smiled at Chester and he did too.

"Sweet mo namang boyfriend, Chester. Pag iwan ka ni Zoe, akin ka na ha." malanding sabi ni JJ. Tumawa naman si Chester ng inirapan ko si JJ.

"Di naman 'to sa kanya, kay mommy 'to." nalaglag naman ang panga namin ni JJ na dalawa.

Chestre burst out laughing.

"You expect. Didn't you?" he asked me.

"Wh-What? No!" protesta ko.

Hindi naman kasi talaga... Fine, whatever. Oo na.

This is the side of Chester that I hate the most. Akala ko kapag maging kami, wala na yung pambwi-bwiset niya sakin pero lumala pa talaga. But oh well, at least most of the time ay sweet siya and he is really acting like a boyfriend.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon