"Oh? Akala ko driver ang mag da-drive?" tanong ko ng binuksan niya ako ng front seat sa sportscar niya.
"Umasa ka kasi eh." mahangin niyang sagot. I made a face.
Sa loob ng biyahe, bwinesit lang ako ni Chester.
"Ba't ba ang hilig mo mag shorts Zoe? Ubos na ba ang tela?"
"Ba't ba ang hilig mo mag crop top? Akala mo maganda tingnan?"
"Ba't ka ba naglalagay ng lipstick?"
"Lip tint kasi yan eh." sabi ko.
"Ganoon pa rin iyon!" depensa rin niya.
I rolled my eyes. "Ba't ba ang observant mo? Ba't ba pakialamero ka? Inaano ka ba ng mga ginagamit ko?" tanong ko dito at nilapit pa ang mukha ko sa kanya.
I remember the day he kissed me! Smack lang naman iyon but that was my first kiss!
"Saan ba tayo?" tanong ko.
"Restaurant. Nagpahanda ako ng lunch." sabi niya.
Pagdating ng restaurant nila, nakita ko kaagad ang parents doon ni Chester.
Humalik naman si Chester sa pisngi ng kanyang mommy na parang dalaga pa rin.
"Good noon po." sabi ko.
"You're Zoe Mendoza right? Classmate ni Chester since grade school?" tumango naman ako sa tanong ng mommy ni Chester.
Nakakunot naman ang noo ng daddy niya na nakatingin sa mommy nito.
Tita Aleena giggled. "You remember her, Kyson, I bet. Siya ang bukang bibi---"
"Mom! We need to eat now. Kanina pa kasi nag re-reklamo si Zoe na gutom na siya." sabi ni Chester at hinigit lang ako doon. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng pormal.
He ordered so many food at puros malapit lahat ito sa akin.
"Ano bang real estate ang papadalhan natin? Ikaw na bahala mag isip. Total businessman rin naman daddy mo, marami naman kilala yan." sabi ko.
"Siyempre. Kami pa." yabang talaga nito!
I rolled my eyes at him. Hindi ko mapigilang wag mapatitig kay Chester. He is fucking hot wearing his plain black v-neck shirt!!!! Kanina naka ballcap pa siya. Damn it! Ngayon ko lang napupuri ng ganito ang pesteng ito.
"Ako na lang mag ta-type ng letter para pormal." prisenta ko. Tumigil naman si Chester sa pagkain at tiningnan ako.
"I already passed the letter, Zoe. Just do the design. Ako bahala sa structure, ikaw bahala sa mga designs o ano pa diyan na gusto mo."
"What?"
"I already passed it. 3 days ago."
"May confirmation na ba? Bakit gagawa na kaagad ng design? Kailangan pa natin---"
"Oh come on Zoe. I am a Chavez." he bragged.
"Eh paano ka makakasigurado na accepted iyon?! Papasa ulit tayo sa isa pa! Ako naman pupunta doon." sabi ko.
"They will not." may mapaglarong ngisi naman sa labi ni Chester. Hindi ko alam pero parang may mali.
"Pahiram nga ng laptop mo." sabi ko at tumayo na. Lumipat ako sa tabi niya kung saan nandoon ang laptop niya. Puno kasi ng pagkain ang parte ko sa mesa kaya hindi ko mailagay ang laptop.
"Saan dito?" tanong ko habang tinitingnan ko ang folder. Puros documents lahat nandoon.
"Hanapin mo diyan."
"Leche! 100 documents! Tapos hahanapin ko isa isa?!" sigaw ko dito at hinampas siya. Ngumiwi naman siya sa sakit ng hampas ko.
Oh I forgot! His parents are here! This place is theirs!
"Proposal to Zoe ang nakalagay." parang may kung anong bultahe naman kaagad sa tiyan ko.
The fuck. Ang korni pala talaga ng salitang love or should I say nagiging korni ka kapag in love ka? Ay ewan ko. Ayaw kong isipin. Parang hindi ko matanggap na ang taong kinaiinisan ko ay magugustuhan ko. Leche naman.
Binuksan ko naman ang document na yun at parang gusto ko ibato lahat kay Chester ang na sa mesa.
Tatlong sentences lang iyon at hindi pa pormal!
I am Chester Chavez, the first son of Mr. Kyson Faris Chavez, the owner of Chavez Enterprises. I have this project to give designs to your company and I hope you accept it. If not, then, say goodbye to the shares of my father to your company.
"ANO 'TO CHESTER?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Napatayo kaagad ako. Tiningnan naman ako ni Chester at tumingin sa di kalayuan na mesa at nandoon ang parents niya nakatingin sa amin. I saw others looked at us too.
Naha-highblood na ako! Ano klasing proposal ito?!
"This is not how you do it!" naiinis kong sigaw. At yung lintek tinawanan lang ako. Hindi ko alam pero sobrang nainis ako.
Padabog kong kinuha ang bag ko at umalis doon. Parang maiiyak ako na ewan sa frustrations ko.
"Hey. Wait." hinawakan naman ni Chester ang pulupulsuhan ko at pinaharap ako sa kanya.
Sobrang dami ko ng ginagawa at iniisip at dadagdag pa 'to ang lintek na tibok ng puso ko para kay Chester. Bakit sa dami dami ng tao sa mundo, sa kanya pa?
"Anong real estate ito, Chester? Pupuntahan ko! Babawiin ko iyon!" naiinis kong sabi.
"Don't fret about it, Zoe. They will accept it. Trust me."
"They will accept it because you fucking threaten them, Chester." I said between my gritted teeth.
"Hey? Any problem?" tanong ng mommy ni Chester at lumapit sa amin. Napatingin siya sa kamay ni Chester na nakahawak sa pulupulsuhan ko. I tried to get my wrist pero sobrang higpit ang paghawak ni Chester.
"Hindi mo na kailangan pahirapan pa, Zoe. Ganoon rin naman iyon." depensa pa rin niya.
"Kahit na. Sa tingin mo tama iyon? Let's do this project individually then. Gusto mo makuha ang lahat sa paraan na gusto MO lang, Chester." naiinis kong sabi at pwersahang inalis ang kamay ko doon.
"Mauna na po ako Mr. and Mrs. Chavez. Salamat po sa lunch." sabi ko at dali-daling umalis doon sa harap niya. Naiinis ako! Kung sa ibang bagay, ganyan ya makuha mga gusto niya, pwes, dahil pair kami sa project na 'to at involve ako, hindi ako papayag na ganoon!
"Zoe." na sa labas na ako ng restaurant nila ng hinawakan niya ulit ako. His face looks pissed too!
"Ano?!" naiinis kong sabi.
He sighed. "Twas a bluff. Hindi iyon ang pinasa ko." sabi niya.
Hindi ako sumagot. Naiinis pa rin ako.
"Trust me. Hindi iyon. I just joked you." he explained.
"Leche ka naman kasi. Sa lahat kasi ng bagay, biro para sa'yo. Asar dito, asar doon. Hindi ko alam kung seryoso ka ba o ano." naiinis kong sabi at mabilis na umalis sa harap niya. Sumakay naman kaagad ako sa taxi lane at umuwi na.
Kung ano ano na kaagad ang pumasok sa isip ko. Parang hindi na sa project namin ang inisip ko, parang hindi lang ang pag prank niya sa proposal ang binigyan ko ng ibang kahulugan.
He is a master on bluffing, deceiving or what do they call it. I realized something. Chester Lewis Silva Chavez is the man that is hard to be in love with. He is hard to reach, isa na yan. And the other thing? He sees everything a joke especially when it comes to me. Paano magse-seryoso ang taong ganoon? What do I expect? He is just pestering me when we were a little but I am falling to him now that we are matured.

BINABASA MO ANG
Pest Of My Life
Novela JuvenilTOXIC LOVE SECOND GENERATION ------ She sees him as a pest of her life. She hates him to the core. She doesn't want him to exist. Can he turn that hate into love?