Kabanata 7

257 11 0
                                        

"Girl? Ba't tulala ka?" tanong ni JJ sa akin. We were at the bench. Hapon na iyon ng hinintay namin si Lora dito dahil nagbabayad siya ng tuition for the prelim.

"Huh?" tanong ko.

It's been what? A week?

"Pansin ko lang ah. Ba't ang tahimik mo these past few days?"

Tahimik ba ako? Tahimik naman talaga ako dati pa ah? But when that man came back, your life become loud again, Zoe.

"Wala lang. Stressed lang kasi ako sa projects and exams." palusot ko. JJ just made a face.

"Sige, kunyari naniwala ako." sabi nito at hinawi ang bangs niya. I giggled and shook my head.

Marami akong kaibigan pero kaonti lang talaga ang nakakakilala sa akin.

"OH MY GOD!" sigaw ni JJ at tumayo pa.

He is really overreacting.

Napatingin rin ako sa field at may mga tumatakbo palapit sa natumba.

"Chester!" halos malakas na sigawan ng lahat nandoon.

"OH MY GOD! PAPA CHESSYY!" sigaw ni JJ at tumakbo pa.

Hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at tumakbo rin ako palapit doon. Nakita ko si Chester namimilipit sa sakit sa tuhod. His eyes were close and he was really enduring the pain. May mga teammates siya nakapalibot sa kanya, mga kaibigan niya at ibang tao pa especially girls na humahanga sa kanya.

I felt jealous. I don't know why.

"Chester! Are you okay?" tanong ng isang babaeng maganda.

Parang gusto kong sumagot ng kita mo ng namimilipit na sa sakit tatanongin pa kung okay. Obviously, hindi siya okay. Minsan talaga, walang common sense ang iba. Tsk tsk. Sayang, maganda pa sana.

"Girl! Tulungan mo!" sigaw ni JJ at tinulak ako ng malakas at muntik na rin ako matumba palapit kay Chester. May mga napatingin sa akin- and girls threw dagger looks at me.

What? Wala akong kasalanan sa kanila!

Napaiwas naman kaagad ako ng tingin ng binuksan ni Chester ang kanyang mga mata.

"Ah. Ano.. Ano..." parang tanga kong sabi at hindi alam kung aalis ba ako doon sa pwesto ko. Ako yata ang sobrang lapit sa kanya at ang iba umatras pa.

Takte.

"Siya diba si Zoe Mendoza? Ang nililigawan ni Chester?" I heard a girl said behind me.

Wow ah? Ba't hindi ko alam yun?

"Oo nga! Nag post pa nga si Chester ng picture niya ng isang araw diba? Pero ngayon di ko na makita eh. Siguro tinatago lang nila?" sabi naman ng isa.

"Siguro nag break na." natatawang sabi ng isa pa.

I wanted to roll my eyes but I kept myself calm. Ba't ko naman sila papatulan? Hindi naman totoo mga sinasabi nila eh. I am matured enough for that.

Chester tried to sit down and I wanted to fucking slap myself because I hurriedly went to him and helped him.

Nagkatinginan kaming dalawa at kahit siya nagulat sa ginawa ko.. and even me.

"A..A.. Ay.. Ayos..." shit Zoe! Ba't ka nauutal?!

Ngayon lang ako nakaramdam ng awkwardness sa lalaking ito! Bakit kaya?!

He didn't answer me. He just stared at me and checking if I am acting weird or not.

"Andiyan na ang stretcher." sabi ni Kevin. Humawi naman sila at binigyan ng daan ang mga taga infirmary.

Chester still didn't shun his gaze to me! Oh my goodness. My heart is beating ten times faster.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon