Kabanata 10

276 13 0
                                    

You will really don't know if you are falling to that person. Kasi minsan, akala natin, nakasanayan lang at kaibigan lang. Pero hindi pala, kasi kapag wala, hinahanap hanap, kapag may ginagawang kakaiba, naiinis tayo. But the fact that, you will remain that friend he loves to bully and annoy. Iyong hindi makukumpleto ang araw niya kapag hindi ak ma bwiset at ganoon lang talaga iyon. You don't need to expect too much from that- but we are human, we do expect too.

There were times I avoided Chester pero para talaga siyang peste.

"Nuod ka ng game namin bukas, Zoe?" aya niya.

"Wag na. Malapit na endterm." sabi ko. Sumimangot namann siya.

"Isang week pa bago endterm, Zoe. Sige na, isama mo sila Lora." aya pa niya.

"Bakit naman ako manunuod? Magpapasikat ka na naman ba dun?" tanong ko. Tawang tawa naman siya sa sinabi ko.

Siguro isa rin ako sa mga babaeng in denial sa nararamdaman kasi hinid matanggap na nahulog ako sa lalaking kinaiinisan ko.

Katulad noong elementary at highschool kami, walang pilya ang pag bwiset ni Chester sa akin. May mga araw na natatawa ako at hinihintay ko talaga pero may araw na naiinis ako especially kapag time of the month ko.

From: Pest

Bukas ah? Binigay ko ticket niyo kay JJ. Di kasi kita makita kanina.

I pressed my both lips. Masyado na ako nasasanay sa presensya ni Chester. I want to recall things. Noong highschool kaya ako? Ganito rin ba ang nararamdaman ko o purely annoyed talaga iyon?

Di nga ako pupunta.

Pest:

Edi wag.

Napatawa naman ako. 

"Zoe? Anyare?" tanong ni mommy.

"Ha? Ah. Wala! Nakakatuwa lang ang sinend ni JJ." rason ko. She gave me a teasing reaction. I rolled my eyes.

"Totoo nga!" sabi ko.

"Bakit? Tiningnan lang naman kita ah!" sabi pa niya.

May mga araw na hinahatid ako ni Chester sa bahay especially kapag may ginagawa kami na assignment o mga plates. Minsan niyaya siya ni mommy na kumain at ngiting aso naman ang loko.

I was excited! Ready na ako kahit may isang oras pa. JJ texted me na on the way na daw sila para sunduin ako.

They wore yellow  at kahit ako ay nag yellow na dress din.

"Aba? Parang handa ah?" natatawang asar ni Lora sa akin.

"Hindi ah. Wala na kasi akong yellow na damit."

"Wala daw? Eh meron naman. Tayo pa ang niloko." parinig ng bakla kong kaibigan.

Whatever. I don't want to argue with them. Alam ko naman na matatalo lang ako eh.

Ng dumating kami sa venue kung saan maglalaro sina Chester ay marami ng tao. Our tickets are VIP kaya siguro sa unahan kami. May tumulong naman sa amin para makaupo sa pwesto namin. Maraming naka yellow na damit at may mga clappers pa.

"Excuse me." napatingin naman ako sa nagsabi sa pwesto malapit kay Lora. It was Betty!

Chester invited her too. Okay. Fine. Siyempre best friends sila. At bakit ako parang na disappoint?! Hell! Ano ba nangyayari sakin?!

Umayos naman ako ng pagkaupo para makadaan si Betty.

She looked at me and I smiled at her. Tipid na gumanti siya sa ngiti ko.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon