Kabanata 30

276 12 1
                                    

"Patrick, thank you!" sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Matalim lang ang titig ni Chester sa kanya.

"Walang ano man, Zoe. Wag kang pupunta ulit ng ganitong oras dito." sabi niya. I smiled at him.

"Let's go." sabi ni Chester at hinigit na ako papasok ng hotel.

How rude! Ang init talaga ng dugo niya kapag may kausap akong ibang lalaki. We really are the same! We get paranoid easily!

He booked a two rooms. Binigay niya naman ang isang card key sa driver nila.

"Mga ten am tayo aalis dito bukas manong." sabi nito.

Mahigpit naman ang paghawak ko sa kamay ni Chester habang papunta kami sa suite namin. Tinext ko naman si mommy na magkasama na kami ni Chester at tumawag naman siya kaagad sa akin.

"Saan ka ba pumunta?! Saan ba si Chester?! Tumawag ako kina Aleena pero wala daw si Chester doon!" galit na sigaw ni mommy. Nakaupo ako sa kama at nakatayo si Chester sa drawer doon. Nakasandal siya doon at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.

Ang dami ko namang tao dapat bigyan ng explanation!

"Basta... I am safe, mom." sabi ko.

Napailing naman si Chester at umalis doon sa pwesto niya.

"I am worried, Zoe! Pagod ka pa galing biyahe tapos bumiyahe ka ulit! Ano ka bang bata ka?!" napasapo naman ako sa noo ko at napapikit.

"Mom. I am safe. No need to worry. Magkasama na kami ni Chester."

"Pakausapin mo ako kay Chester." nilahad ko naman ang cellphone ko sa kanya at seryoso lang ang titig nito sa akin.

"Mom." sabi ko. Tinanggap niya naman ang tawag at nilapag ang pagkain na binili ng driver nila kanina.

Binuksan ko naman ang paper bag doon at nilabas ang french fries.

"Yes tita... I attended a friend's birthday.... Yes... Yes po... I'll never let it happen again... We'll go back there early tomorrow... Okay po...." sagot niya sa tawag ni mommy.

Umupo naman si Chester sa kama at nilabas ang pagkain doon. He cleared his throat.

"Care to explain?" he asked.

"G-Gusto nga kita makita." sabi ko. I know Chester will really get mad! Ayaw na ayaw nga niya lumalabas na ako ng bahay mag-isa kahit tanghaling tapat tapos kanina gabi na at malayo pa ang pupuntahan ko.

"Zoe... You can see me tomorrow..." he said.

"Bakit parang hindi ka natutuwa makita ako dito?! Galing akong Baguio tapos dumiretso---"

"Yun na nga! Galing kang Baguio tapos dumiretso ka dito! Sa tingin mo matutuwa ako?! Paano kung may nanyari sa'yo?! At ganoon ka kabilis nagtiwala sa lalaki kanina na samahan ka?!" nakatingin lang ako sa kanya na sobrang seryoso ang mukha. 

Bakit? Na isturbo ko ba sila ni Betty kanina?!

Parang kanina atat na ata akong makita siya at sobrang lambot ko, ngayon naiiniis ako! He should be glad!

Sumandal naman ako at pwersahang binalik ang kinakain kong fries sa paper bag. Ang ibang piraso nito ay nagkalat naman. Tiningnan naman iyon ni Chester at pinandampot.

I turned the TV on. I still don't regret going here anyways. Nawala ang pangamba ko.

Hindi rin kami nag-usap ni Chester na dalawa. Galit siya at naiinis ako. He should appreciate my effort! Pinuntahan ko siya dapat masaya siya! Hindi iyong nagagalit siya kaagad sa akin.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon