Kabanata 23

255 7 0
                                    

Hindi ko alam na advantage pala talaga sa relasyon na bata pa lang kayo o matagal na kayong magkakilala na dalawa. It feels comfortable.

"Ayusin mo! Hindi ka papasa sa next top model!" sigaw ni Chester sakin.

"Leche! Kanina ka pa! Hindi naman ako sasali diyan. Tama na nga yan!" I shouted back and walked to his place.

Gusto niya kasi daw makuha ang napaka-perfect na shot. Eh naka one hundred na siguro siya diyan eh wala pa rin daw.

Binigay niya naman sakin ang cover up ko.

Tinadtad ko ng litrato namin ang camera niyang pinadala ko. My friends were very jealous because of the quality of my pictures on facebook and instagram. Ang daming perks na boyfriend(?) si Chester! Simula naging kami ay puros na blur kung blur ang background ng mga litrato ko at ang sobrang ganda ng mga pagkuha.

"Jetski tayo, Chester." aya ko. It's four pm already. Puros lang kami kain, picture at maligo na dalawa.

"Pabilisan tayo." sabi nito at tumayo.

I rolled my eyes at him. "Walang ka sweet sweet naman niyan, Chester!"

He laughed sarcastically. "Papakainin kita ng isang sako ng asukal diyan eh para ramdam mo ang tamis." at inunahan na akong lumakad. Binato ko naman siya ng tsinelas ko.

Minsan sweet, minsan bwiset. Wala eh, Chester yan eh.

Busangot naman ang mukha ko habang na sa shore at tinitingnan ang jetski doon. Nakasakay na siya sa kanya na kaharap ng dapat sa akin.

"Bilis na mahal na prinsesa." sabi nito.

"Tinatamad na ako. Wag na." sabi ko.

Maraming litrato siya ng parents niya na pinakita sakin and I love those kind of act. He told me he wants a relationship like his parents, how sweet they are and how genuine their love is. 

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Chester sakin.

"I'll sit on the lounger. Doon mo lang ako puntahan." sabi ko at tumalikod na. Naka limang hakbang pa lang ako ng may pumulupot naman na braso sa bewang ko.

"Ibaba mo ako, Chester!" tili ko.

"We'll ride, monkey."

"Ayaw ko nga!" pagpapalag ko. I am kicking my feet but I just can't resist. Sobrang lakas ni Chester.

"Come on, my monkey." sabi nito. Natigil naman kami sa jetski kung saan nakasakay na siya kanina.

"Ayaw----" my eyes widened when he kiss me.

Hinampas ko naman siya sa dibdib niya pero walang kalakas-lakas iyon.

He smirked. "Ang bilis mong magtampo." sabi nito.

"Hindi ako nagtatampo." sabi ko. Pinasuot naman ni Chester sakin ang life vest.

"Eh ano yun?" 

"Wala."

"Sino niloloko mo? Ilang taon na tayong magkakilala na dalawa, ilang beses ko na nakita ang ganyang klasing mukha, ilang---"

"Daming sinasabi! Leche, bilisan mo na!" sabi ko at sumakay na sa jetski. Bago siya sumakay ay hinalikan niya naman ako pisngi.

"Very adorable." he said.

Nakayakap naman ako sa bewang ni Chester. Ilang beses na kami pabalik-balik na dalawa at tawang tawa ako kapag binibilisan ni Chester ang pagdala ng jetski at may mga babaeng nasasabuyan ng tubig sa gilid na nagje-jetski rin.

Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso at tumawa ng tumili ang babae ng nabigla siya sa pagdaan na sobrang bilis ni Chester sa kanyang tabi.

"Mga pabebe." sabi nito.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon