Kabanata 37

229 12 1
                                        

"ANO BA PROBLEMA MO HA?! NOONG ISANG ARAW KA PA GANYAN! INIINTINDI NGA KITA KAPAG MAY INAASIKASO KA! TAPOS KAPAG AKO AY MAGAGALIT KA?!" sigaw ni Chester sa akin. 

Nakaupo lang ako sa kama naiiyak habang siya ay nakatayo doon at galit na galit. 

"ANO BA ZOE?! PUROS NA LANG KADRAMAHAN ITO!" dinampot ko naman ang mga unan sa kama ko at binato iyon sa kanya.

"HINDI AKO NAGDA-DRAMA CHESTER! GUMAGAWA AKO PARA SA MGA PROJECTS KO! EH IKAW? LUMALABAS KA LANG KASAMA SI HERA!" naiiyak kong sigaw sa kanya.

"Ano ba?! Selos ka lang ng selos! Tumigil ka nga Zoe! Nakakawalang gana na kapag ganito palagi!" I wanted to punch him! Kung pwede ko lang bitawan mga responsibilidad ko bilang estudyante para maka-oras sa kanya ay gagawin ko! Pero hindi pwede! I need to graduate too! I have many plans in my life and we both have plans too!

Hindi ako sumagot sa kanya at mas lalo lang akong naiyak. Umalis naman siya sa harap at pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto ko.

Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Naiinis ako sa kanya, nagagalit ako. Parang gusto kong bitawan pero hindi ko kaya.

Naging araw-araw na ang bangayan namin ni Chester. Walang katapusan ang away naming dalawa at palagi kong kasalanan ika niya. Dahil daw nag iinarte na naman ako at dapat daw intindihin ko rin siya.

"EH PUTANGINA NAMAN KASI CHESTER! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN NA KAILANGAN KO RING TAPUSIN 'TO?!" namumula na ako sa kakasigaw. Pinuntahan niya ako sa bahay para lumabas raw kaming dalawa.

"WOW! JUST WOW ZOE! YUNG AKIN HINDI KO TINAPOS NOONG ISANG ARAW KASI GUSTO MO LUMABAS AT MAGKITA TAYO! INIWAN KO YUN PARA MABIGYAN KA NG ORAS! MAGDA-DALAWANG LINGGO NA TAYO HINDI NAGKAKASAMA!" ganti rin niya sa akin.

Frustrations. Stress. Pagkamiss namin sa isa't isa. Naghahalo na lahat lahat at nagiging galit na ito. Eto yung mga rason ng mga away namin. Si Hera at ang oras na naman. 

"KAHAPON NASAAN KA NG VACANT MO?! INAYA KITANG MAG LUNCH PERO SABI MO MAY TINATAPOS KAYO NI HERA! HINDI BA DAPAT KAILANGAN SIYA MAG ADJUST SA VACANT MO DAHIL IKAW ANG GRADUATING DITO?!" yesterday, Kyleen and I ended to have lunch together. Mabuti at nakita ko siyang pakalat-kalat mag-isa at niyaya ko siya. Tinanong niya naman ako kung may problema ba kami ng kuya niya at sinabi ko rin naman sa kanya.

Hera should adjust! Kahapon, vacant ni Chester at siya pa nag adjust sa schedule ni Hera.

"Ches, wala akong pasok. Lunch tayo?" sabi ko sa tawag.

"Babe, I need to see Hera now. Kailangan ko siyang puntahan dahil marami pa raw siyang gawain. Dinner na lang tayo mamaya?" nawala naman ang sigla ko ng marinig ko iyon.

"Bakit wala ka bang tinatapos? Sabi mo kagabi may research ka pa ngayon."

"I need to see her. Wala na siyang vacant daw mamaya." napapikit na lang ako at napamura sa isip ko.

"Sige, kakain ako ngayon."

"Ingat ka diyan. Palabas na ako, I love you." 

"BAKIT BA PANAY ANG SELOS MO KAY HERA?! INAANO KA BA NIYA?!"

"BAKIT TINATANGGOL MO SIYA?! PUROS KA NA LANG HERA NG HERA!" sabi ko at tinulak siya. Iniwan ko naman siya sa kwarto at bumaba papuntang kusina. Nadaanan ko naman si mommy na tumingin sa akin, bahagyang umiling lang ako sa kanya.

Ilang beses na ba niya narinig ang sigawan namin ni Chester na dalawa? May dalawang vases na nabasag sa kwarto ko dahil tinapon ni Chester sa sobrang galit noong isang araw, binato rin niya ulit ang cellphone niya kaya mas lalo lang akong nagalit sa kanya.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon