Our new year started very well. Parang ayaw ko ng mahiwalay lalo kay Chester at ang pangit man pakinggan but we both become more possessive to each other.
Chester Chavez: Damnnnnn *insert three fire emoji here*
He commented on the picture I uploaded where I rode at the jet ski. Kuha iyon ni Kuya don, naka bikini top ako doon pero naka maong na shorts.
Chester loves to comment on my picture. Halos lahat ng litrato ko ay siya ang unang nag co-comment.
Valentines when he prepared a romantic dinner at our house.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko. Tinawagan ko siya ng pagkadismissal ko sa isang subject ko ay wala siya. Sabi nina Kevin ay hindi rin naman daw nila nakita.
"Hindi. Inaantok pa ako." sabi nito.
"It's already eleven am Ches! For Pete's sake." ako nga yung may pinakasweet na boyfriend sa buong mundo pero ako yung walang bulaklak at chocolate ngayon. Wala naman akong pakialam kung hindi ako makatnggap ng ganoon. Everyday is Valentine's day for me and Chester.
"Pumunta ka na dito. Hintayin kita." sabi ko.
"Hindi muna ako papasok. Inimbitahan ako ni Ric pumunta sa kanila." sabi niya. "Birthday kasi ng kapatid niya." dagdag nito.
I bit my lower lip. "Pakalasing ka kung ganoon." sabay baba ko ng tawag.
Like my mother said, give each other freedom sometimes. Iyon minsan ang ginagawa namin ni Chester pero most of the time ay kami naman ang magkasama. May mga oras na pinapasama niya ako sa iba kong kaibigan, tapos siya ganoon rin basta parehong araw lang ang labas namin. If it's our day to be together, then it's our day together.
Four pm ng hindi ako nakatanggap ng text o tawag sa kanya. Hindi talaga siya pumasok. Wala ako sa mood sa oras na iyon.
"Zoe!" tawag ni Lora sa akin.
"Andiyan pala kayo." sabi ko. Kasama niya si Kevin at nakaupo sila sa bench. Nakapatong ang malaking bouquet ng bulaklak sa kandungan niya.
"Saan ka?" tanong nito.
"Uuwi na. Bakit?"
"Saan si Chester? Na sa labas ba?"
"Ewan ko. Pupunta siya sa birthday."
"Uuwi ka na?"
"Hmm.. Punta muna ako sa cafe. Kayo?" nagpaalam naman ako kaagad sa kanilang dalawa para umalis na. They are still waiting for Lora's brother to get something para makapag date na silang dalawa.
Ng pumasok ako sa cafe ay puros hugis puso ang nakikita ko doon at puros mag jowa. May isang babae pang taas noo akong tiningnan habang hawak hawak ang bouquet niya at may mga chocolates sa mesa. Hinawakan niya naman ang kwintas niya at may ngisi sa labi.
Tumaas naman ang kilay ko sa kanya. Girl, walang wala ang mga bulaklak na yan sa mga nabigay na bulaklak ng boyfriend ko sa akin! Mas imported ang chocolates na binigay niya rin sa akin! At ang kwintas mo ay walang wala rin yan sa kwintas na binigay sa akin!
Bakit kaya may mga taong ganyan? They always brag about what they have. Hindi lang namann sila ang merong ganyan.
When I ordered my frappe and cheesecake, ang pwesto na available ay ang pwesto sa tabi ng mayabang na iyon.
Parang gusto kong matawa habang nag-uusap silang dalawa.
"Meron pa sanang teddy bear yan kaso hassle na." sabi ng lalaki. The girl giggled.
"It's okay! Pwede namang daanan natin bukas."
Parang gusto kong ipukpok ang ulo ko sa padir. Bakit may mga tao na kapag may jowa ay ang materials things ang pinapahalagahan at tinutuunan ng pansin? Kapag may celebration mas hinihintay ang ibibigay na regalo? There is more than that at walang katumbas pa iyon. The love, the feeling, the happiness. All of those are priceless. Iyon dapat ang hinihintay kapag Valentine's Day. Hindi iyong mga chocolates and flowers! Phew.

BINABASA MO ANG
Pest Of My Life
Novela JuvenilTOXIC LOVE SECOND GENERATION ------ She sees him as a pest of her life. She hates him to the core. She doesn't want him to exist. Can he turn that hate into love?