Kabanata 29

222 10 2
                                    

Nag dalawang oras na ng hindi pa rin ako nakatanggap ng text sa kanya. Baka nalunod na silang dalawa ni Betty sa swimming pool doon!

Lora told me not to be a greedy girlfriend kaya ginawa ko naman iyon. Best friend siya ni Chester at kahit ayaw ko man ay kailangan ko na lang rin pakisamahan. It's her birthday, kaya payag muna ako.

I sighed.

"Stop over tayo para mag dinner." sabi ni mommy.

Kahit nag stop over na kami ay wala pa rin akong natanggap na text.

"Tawagan mo kaya." sabi ni kuya Don sa akin.

"Wag na. Baka nag e-enjoy na dun." gusto kong masuka sa sinabi ko.

"Enjoyment is not a reason to forget you here though." I wanted to agree but I tend to shook my head as an answer. Ayaw ko ng sumabat pa dahil alam kong totoo naman at nababadtrip lang ako.

Mabilis kong tinapos ang hapunan ko at tinawagan na si Chester. Hindi na ako makapaghintay!

His line was fucking busy! Sa sobrang inis ko ay tinago ko ang cellphone ko sa pinakailalim ng bag ko para hindi ko makuha ito. Kinuha ko naman ang iPad ko at doon na lang nilibang ang sarili ko. Better.

Nakaidlip naman ako ng thirty minutes at pagkagising ko ay medyo malapit na kami.

"Kuya don, sama ka ulit ah!" aya ko.

"Andiyan na yan siguro boyfriend mo. You already have a photographer." kapag may outing ang relatives namin, sinisigurado ko talaga na kasama siya para may tagakuha ako ng litrato, wala naman siyang magagawa eh mahal niya naman akong pinsan dahil dalawa lang naman kami.

"Magbe-break na kami." sabi ko. Tumawa naman siya. Hinampas naman ni mommy ang balikat ko.

"Simpleng tampuhan lang pinapalaki mo na, Zoe! Hindi ganyan dapat ang isang relasyon! You need to set him free sometimes, not all the time ay dapat kayong dalawa lang. Let him enjoy on his own and vice versa."

"Kapag kasi nage-enjoy si Chester ay nabwi-bwiset ako, mi! He is enjoying too much! Kilala ko siya!" depensa ko sa sarili ko.

"Can you at least trust your boyfriend, Zoe?" sawsaw ni kuya Don.

I do trust Chester but when it comes to the people who surround him? I can't.

Chester will sleep there. Tabi kaya sila ni Betty? Saan kaya siya matutulog doon? That thought creep the shit out of me! Mabilis ko namang kinuha ang cellphone ko at nalaglag ang panga ko ng makita ang napakadaming tawag at text ni Chester sa akin.

May parte naman sa akin nag hinayang.

I texted him asking where he will sleep but he doesn't reply! This is making me fucking insane!

Nakarating na ako sa bahay ng hindi pa rin ito nag reply so I decided to call him.

God knows how relief it was when he answered the phone... No wait... He wasn't the one who answered the phone and that was a big slap to me.

"Hello..." twas Betty!

"Andiyan ba si Chester, Betty?" so far, mas maganda ang approach ko sa kanya. Unlike her na nag he-hysterical kapag ako makasagot ng cellphone ni Chester.

"Na sa baba, bakit?"

"Pwede ko siyang makausap?" 

"Nandito phone niya sa kwarto ko. Iniwan niya." napapikit naman ako at napabulong ng mura. Kung maabot ko lang ngayon silang dalawa ay binuhol ko na sila!

I am fucking tired because of our trip tapos dadagdag pa ito.

I sighed. "Okay... Can you please at least tell him I called when you go out?" pakikiusap ko.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon