Kabanata 21

264 11 0
                                        

I gave Chester a hard time. I didn't expect him to give into my whims.

"Eto na po mahal na prinsesa." sabi nito sabay latag ng half galloon na ice cream sa mesa.

It's been what? 3 months na nanliligaw na siya? But for me, I already see him as my boyfriend yun nga lang hindi ko pa sinasabi. Aba, kailangan ko siyang pagbayarin sa mga ginawa niya sakin simula ng mga bata pa kami.

Chester is really sweet. No- super duper sweet. He always cares for me, he always make sure that I am safe and sound, he always check on me.

"Kailan practice niyo?" I asked him.

It's our finals next week and we will be fourth year college! Ang bilis lang.  But we still have our fifth year though.

"Mamaya pa po. Manunuod ka?" tanong nito. Binuksan niya naman ang takip ng ice cream at nilagay doon ang dalawang kutsara.

"Hmmm. Pwede rin. Ilang taon ka sa college kung ganoon? You don't get the maximum units." sabi ko.

"You want me to stop, Zoe?" my brows furrowed. Nilapit niya naman sa bibig ko at kutsara na may ice cream at kinain ko naman iyon.

"So that we can graduate together and achieve that relationship goals?" sabay tawa niya. Natawa naman ako at hinampas siya.

"Baliw!" sabi ko.

Chester told his family that he is courting me, and also his friends. Eh parang lahat nga ng tao ay sinabihan na niya. It's all over his social media accounts! Ang cover photo niya ay ako, ang instagram niya puros litrato ko. Minsan nga nalilito na nga ako kung account ko rin ba iyong sa kanya.

"I can work my plates at home." I told him.

"You don't want us to have some time, Zoe?" tanong niya.

Whatever, Chester.

We went to their garden. Nagpadala naman ito ng mga pagkain at tumawag pa sa mommy niya sa restaurant nila magpadala ng paborito kong chicken  pesto.

Chester and I don't always go together at school. Iba ang schedule niya sa schedule ko. Every TTh lang kami magkasama na dalawa and he  told Mika to transfer a seat.

I yawned and put the pencil down.

"6pm uuwi na ako ah." sabi ko at tiningnan ang wrist watch ko.

"Dito ka na mag dinner." he said. Ng napatingin ako sa kanya, he was busy drawing something on a long bond paper.

"Ano yan?" tanong ko.

Inali niya naman ang kamay niya doon at nakita ko naman ang ginuguhit niya. It's me! Nakayuko ako at may ginagawa. 

"Ganda naman niyan!" sabi ko.

Ngumisi naman ito. "Ako pa ba?" I winced.

"I mean... Yung sa papel!"

"You're the in denial queen, Zoe Kristina."

His parents were bit shocked when they saw me laughing with Chester. Yeah right, they know me as their son's favorite target.

"Good evening po." sabi ko at bahagyang yumuko sa kanila.

Chester's dad is really his lookalike. Parang pareho na sila katangkad na dalawa at parang magkaibigan lang kung tingnan.

"It's good to see you here, Zoe." said Mrs. Chavez.

"May ginawa po kasi kaming plate ni Chester." sabi ko.

She grinned and nodded.

When on their dining table, andoon rin ang mga kapatid ni Chester na sina Kyleen at Alson. 

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon