Kabanata 36

223 13 0
                                    

I never expect that even minutes, hindi kami pala magkakasama ni Chester.

Pinapasalamat ko iyong wala siyang pasok 6:30 onwards kasi makakasabay pa kaming dalawa, minsan 7:30 ako matatapos o 8 at sakto naman iyon sa kanya. Pero minsan minsan lang nangyayari iyon.

May mga events sa school o sa department namin na walang pasok at makakasama rin naman kami.

Parang once a week na lang kami nagkikita na dalawa at minsan ay isang beses sa dalawang linggo pa. I even cried how many nights and I didn't tell him.

Noong Christmas break, hindi rin kami nagkasama dahil parehong maraming ginagawa, like before, we celebrated our Christmas and New Year to their mansion at least nagkaroon kami ng oras na dalawa. Umuwi si daddy ng holidays na iyon kaya minsan ay umaalis kami para magbakasyon.

Magkahawak ang kamay namin ni Chester habang pumapasok ng cafeteria para mag lunch. Meron event ang department ngayon hanggang bukas.

"Hoy pandak." tawag ni Chester sa isang estudyante  na nakaupo sa gilid. Natigil naman sa pag-usap ang babaeng iyon at tumingin kay Chester. Ginulo naman ni Chester ang buhok niya.

"Hindi nga ako pandak kuya eh! Sadyang matangkad ka lang!" sabi ng babae. Nag apir naman si Chester sa kanya.

Ngumiti naman ang babae sa akin kaya ngumiti rin ako. Kaibigan ko rin naman mga kaibigan ni Chester.

"Sino yun?" tanong ko ng naghahanap na kami ng pwesto.

"Si Hera. Third year college. Classmate ko sa isang subject." tumango na lang rin naman ako.

Mabait iyong Hera. Kapag nadaanan niya ako ay tinatawag niya ako. Naging close kami dahil kay Chester. Hindi ko alam na magiging close rin sila ni Chester. Panay nga ang asar ni Chester sa kanya at pinapatulan niya naman ito.

"Nasaan ka?" tanong ko kay Chester ng tapos na ang klase ko.

"Coffee shop..." sabi nito."Hingi muna ako ng tissue Kuya" rinig kong sabi ni Hera sa kabilang linya.

Noong una, hindi ko pinansin iyon kasi sabi ni Chester ay parang kababatang kapatid niya lang daw. Pero habang tumatagal ay kinabahan ako pero hindi ko pa rin naman sinasabi kay Chester iyon dahil baka nag o-overthink lang naman ako.

"Papunta na ako diyan." sabi ko.

"Okay. Ingat ka." sabi nito at binaba ang tawag.

Ngayong January ay hindi na talaga kami nagkikita na dalawa. After one week, ngayon lang kami magkikita ulit.

Binati naman ako ni Hera ng dumating ako doon.

"Aalis na ako ah? Ayan na si ate Zoe." sabi nito. Tumango naman si Chester at kumayaw sa kanya.

Sunday afternoon when Chester asked me to go out on a date. Siyempre yes kaagad at gumayak na ako.

Habang nagpapatuyo ng buhok ay tumawag ang isang kagrupo ko sa isang project namin.

"Zoe? Pwede ka ba ngayon? Sorry ah? Marami kasing babaguhin sa ginawa natin. Dalawang oras lang ngayon, dito lang sa coffee shop sa University." hindi namin ito pwedeng palampasin lang ang mga babaguhin, hindi pwede iyong procrastinate lagi.

"Oh sige... Pupunta na ako..." sabi ko kahit may parte sa akin na ayaw pumunta. Dali dali ko namang tinawagan si Chester. Masaya ang bungad niya sa akin pero nawala ang sigla niya ng sinabi ko sa kanya may aasikasuhin kami.

"Ches... Sorry na..." pangungulit ko.

"Sunduin kita ngayon at ihahatid doon. Malapit na ako." walang gana niyang sabi at binaba ang tawag.

Pest Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon