Chapter 1.

1.1K 19 0
                                    

Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: 
February 22, 2020.

CHAPTER 1.

AQUA'S POV

Matagal na rin ang nakakalipas nang nagkaroon ng gulo sa mundo ng Magique. Nandito ako ngayon sa kaharian ng Sage dahil ito ang parusa ko sa sarili ko nang binuhay ko muli si Julius.

Ang Sage Kingdom ay ang kaharian ng mga warlock na mamba-batas. Lahat ng mga gumagawa at nagpapatupad ng batas ay nandito sa kaharian na 'to. Minsan nandito din si papa dahil siya ang hari pero madalas siyang wala dito dahil nasa kaharian siya ng mga warlock.

Si mama naman ay madalas na napunta dito dahil sa'kin. Lagi niya kong kinakamusta at lagi niyang sinasabi na wala akong kasalanan dahil 'yon talaga ang itinakda ng kapalaran na mangyari.

"Alam kong matagal na panahon na rin nang binuhay mo siya, apo. Hindi ka naman namin paparusahan kaya bakit ka laging nandito?" Tanong ni lolo sa'kin.

"Kasi binuhay ko po 'yong warlock ng kaguluhan. Ang sabi niyo po ay hindi po tayo pwedeng bumuhay ng kapwa natin warlock nang walang paalam." Sagot ko.

Nakita kong napabuntong hininga siya at umupo sa upuan na nasa harap ko. Lumapit din si lolo Sefyr at tahimik na nanonood sa'ming dalawa ni lolo Setyr.

"Hindi ka namin paparusahan dahil hindi naman kasalanan 'yon. Anak ka ng warlock ng buhay at kamatayan kaya natural lang na gamitin mo ang namana mong kapangyarihan sa isang bagay na alam mong makakabuti." Paliwanag ni lolo Sefyr.

"Makakabuti po bang nabuhay ulit si Julius? Manggugulo lang po ulit siya dito, lolo. Kaya kasalanan ko po kung bakit magkakaroon na naman ng gulo." Saad ko.

"Ayaw magpatalo ng batang 'to, Setyr. Hayaan na lang natin siyang gawin ang gusto niyang gawin sa sarili niya." Saad naman ni lolo Sefyr. Tumango na lang si lolo Setyr at napabuntong hininga ulit.

"Sige. Gawin mo ang gusto mong gawin. Basta lumabas ka at nagpahangin ka 'pag naiinip ka na dito." Tumayo na siya at lumabas na silang dalawa sa kwarto.

Napatayo ako at sumilip sa bintana. Nasa taas ng kaharian ng mga warlock ang kaharian ng Sage kaya nakikita ko ang lahat mula dito. Lahat ng mga warlock ay sinasabi na wala akong kasalanan pero ramdam ko pa rin na may kasalanan ako.

Hindi man sa mga warlock pero sa mga salamangkerong naninirahan ngayon sa Puissant. Simula nang nalaman ng lahat na binuhay ko si Julius ay agad nila akong tinaboy at ayaw na pabalikin sa kaharian ng Puissant.

Lahat sila ay itinakwil ako bilang kadugo pwera lang kanila mama, syempre. Pero sila tita, tito at ang mga pinsan ko ay ayaw na nila sa'kin dahil sa nangyaring 'yon.

Ngayon, alam ko na rin kung bakit ayaw din ni papa sa mga salamangkero. Isang pagkakamali ng mga warlock ay mawawala na sa kanila ang mga itinulong namin sa kanila. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi sa kanila.

Bumalik ako sa kama at humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko natulog na lang ulit para makapagpahinga.

DANA'S POV

Naglakad ako palapit kay Soul na naka-upo sa trono niya. Nang nakita niya ko ay agad niyang inilahad ang kamay niya at kinuha 'yon. Hinila niya ko ng mahina palapit sa kaniya at pina-upo sa kandungan niya.

"Sa tingin mo ba ay ayos lang si Aqua doon?" Nag-aalala kong tanong. "Sigurado akong ayos lang siya doon, mahal ko. Gusto niya lang mapag-isa kaya hayaan na muna natin siya." Tumango ako.

"Hindi pa naman nakilos si Julius sinula no'ng nabuhay siya. Baka naman hindi naman talaga siya gano'n kasama?" Saad ko. Hinimas ni Soul 'yong buhok ko at sumandal ako sa bandang dibdib niya.

"Mabait naman kasi talaga si Julius, mahal ko. Hindi siya tulad ng inaasahan niyong lahat. Nangyari lang 'yon dahil kay Kera." Seryosong saad niya.

"Si Kera na isang salamangkero ang dahilan kung bakit siya nagalit. Nag traydor siya - trinaydor niya si Julius kaya niya nagawa 'yon. Karamihan sa kanila ay masasama kaya kailangan natin silang iwasan." Dugtong niya pa.

"Nag-aalala ako kay Aqua. Nakita ko kung gaano siya nasaktan nang pinagtabuyan siya nila Aira at ng iba pa dahil sa binuhay niya si Julius." Saad ko.

"Ang mga salamangkero ang gumagawa ng sarili nilang mga multo. Kinakatakutan nila ang mga warlock dahil nakikita nila ang sarili nila sa'tin." Nagtaka ako doon.

"Ang mga warlock ay may malakas na kapangyarihan pero hindi nila ginagamit sa dahas o sa gulo pero ang mga salamangkero ay may mahinang kapangyarihan pero ginagamit nila ito sa masama." Paliwanag niya.

"Ang sinasabi nila lagi ay masasama ang mga warlock pero sa reyalidad ay sila ang masasama at mababait ang mga warlock." Dugtong niya.

"Kaya ba ayaw mo sa mga salamangkero tulad nila?" Tumango siya. "Simula nang nalaman ko 'yong kay Julius at Kera ay doon na ang simula ang lahat." Sagot niya.

"May dugong salamangkero ako, mahal ko. Sigurado ka ba diyan?" Hinawakan niya ko sa pisnge at pinagdikit ang noo naming dalawa. Nakita kong ngumiti siya.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin para maintindihan mo na hindi ka isang salamangkero? Isa kang warlock na nakaselyo." Naramdaman ko 'yong braso niya sa bewang ko.

"Naiintindihan ko naman 'yon pero hindi ko pwedeng kalimutan na isang salamangkero ang nanay ko." Sagot ko. "Pero kahit na gano'n ay pinalaki kang isang warlock ni master." Hahalikan na niya sana ako ng biglang...

"'Wag po muna kayong gumawa ng isa pang anak, papa, mama." Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Amphitrite.

"May nangyari ba sa kaharian ng Agua, anak?" Tanong ni Soul. "Wala po pero matagal ko na pong pinagmamasadan ang Black Kingdom." Naglakad siya palapit sa'min.

"Hindi ko po alam kung paano makapasok sa loob ng kaharian nila dahil wala naman pong daanan." Dugtong niya pa. Tumayo na ko at niyakap siya.

"Baka hindi pa handa si Erethra na makilala ka kaya 'wag mo munang pilitin, anak." Saad ko. "Gusto ko lang naman pong malaman kung anong klaseng hari siya." Hinalikan ko siya sa noo.

"Sa ngayon, magpakasaya ka na muna habang hindi pa handang makipagkilala sa'yo si Erethra. Kailangan mo ring maghanda para sa araw na 'yon." Tumango siya.

"Kamusta po si ate?" Umiling ako. "Nandoon pa rin siya at kinukulong ang sarili niya." Sagot ni Soul. "Sana ayos lang siya." Saad niya at umalis na siya.

"Hula ko natatakot si Erethra na makilala si Amphitrite dahil baka makuha niya rin ang buhay niya." Komento ni Soul. "Baka nga mahal ko." Sagot ko at napabuntong hininga.

•••• END OF CHAPTER 1. ••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon