Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 2.
THIRD PERSON'S POV
Nasa trono ngayon si Abrevar at napapatingin kanila Tritus at Alpheus na maigi siyang binabantayan. Tumayo na siya at naglakad, agad naman siyang sinundan nila Tritus kaya napatigil siya.
"Pwede bang iwan niyo muna ako na mag-isa? Gusto kong makapag-isa muna." Ma-otoridad na saad ni Abrevar kaya napatigil ang dalawa niyang bantay at hinayaan na siyang mag-isa.
Lumabas mula sa kaharian ng Agua si Abrevar at pumunta sa isang batis kung saan niya makikita si Erich. Si Erich ay ang kaniyang kasintahan na diyos, lagi silang nagkikita ng patago dahil hindi tanggap ng mga taga Agua ang relasyon nilang dalawa.
Nang nakarating na si Abrevar doon ay agad siyang sinalubong ni Erich at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ito pabalik at hinalikan sa ulo.
"Masaya akong makita ka, mahal kong hari." Saad ni Erich. "Ako din. Masaya din akong makita ka." Sagot naman ni Abrevar. Napalingon-lingon si Erich sa paligid dahil baka may nakasunod kay Abrevar.
"'Wag kang mag-alala, walang nakasunod sa'kin, mahal kong diyos." Paniniguro ni Abrevar at napangiti si Erich ng husto. Dinala niya si Abrevar sa isang upuan at pina-upo siya doon.
Umupo din siya sa upuan na nasa harap ni Abrevar at binigyan niya ng pagkain at maiinom si Abrevar na nakahanda na sa lamesa na nasa gitna nilang dalawa.
"Maraming salamat." Kumuha ng pagkain at tsaa si Abrevar tinikman ito. "Tulad ng inaasahan, masarap ang hinahanda mong pagkain." Saad ni Abrevar.
"Mahal kong hari, gusto kong malaman kung bakit hindi nila tanggap ang relasyon nating dalawa?" Tanong ni Erich kay Abrevar. Inilapag ni Abrevar ang hawak niyang tasa at pagkain sa lamesa.
"Dahil ang gusto nila ay sila ang pipili ng magiging reyna nila at hindi ako." Paninimula ni Abrevar. "Isa akong warlock at alam ng lahat 'yan. Ayaw nilang pumili ako ng isa pang warlock dahil baka mangyari na naman ang nakaraan." Dugtong niya.
"Mangyari ang tulad ng kay Julius o mangyari ang tulad ng ginawa ng kapatid mo?" Tanong ni Erich. "Parehas. Para sa mga salamangkero ay masasama ang mga warlock at diyos dahil may malakas silang kapangyarihan." Sagot ni Abrevar.
"Damay din pala kami kahit na wala kaming ginagawa. Alam ba nila kung bakit niya binuhay si Julius?" Umiling si Abrevar at napatawa siya ng mapait.
"Syempre hindi. Masasama ang mga salamangkero kahit saang anggulo natin 'yon tignan. Lagi nilang sinasabing masasama ang mga tulad natin kahit na sila naman talaga ang masasama." Saad ni Abrevar.
"Binuhay ni ate si Julius dahil plano na ng mga taga Frost na manggulo ng mga oras na 'yon. Hindi nila alam ang plano nilang 'yon dahil abala silang isisi lahat ng kasalanan sa uri natin." Dugtong niya pa.
"Natatakot ako na baka malaman nila ang tungkol sa'tin, mahal kong hari." Tumayo si Abrevar at nilapitan niya si Erich. Pinatayo niya ito at niyakap. "Po-protektahan kita mula sa kanila, pangako 'yan." Bulong ni Abrevar.
"Mahal kita at hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama." Hinalikan ni Abrevar si Erich sa labi. "Aalagaan ko kayo ng magiging anak natin." Nakangiting saad ni Abrevar at lumayo na siya.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...