Chapter 20.

283 8 0
                                    

Date Published: June 15, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 20.

AQUA'S POV

Ang sumunod na alalang nakita ko ay nang nagising ako at agad akong minanipula ni Julius. Maya-maya lang ay hinalikan niya ako.

Ito 'yong araw na nagising ako dahil sa nahimatay ako sa matinding lamig ng klima na para bang hinihigop ang lakas ko.

~~

Ang sumunod na imahe naman ay ang oras na nakita ko siyang umiinom at umiiyak dahil sa sobrang lungkot niya. Dahil wala na siyang babalikan pa, dahil sa trinaydor na siya ni Kera.

Kinausap ko siya at pinaliwag ang nararamdaman niya. Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa nakatulog siya sa balikat ko.

Nakita kong napangiti ako nang nakita ko siyang nakatulog at inihiga na si Julius sa kama. Bakit parang pakiramdam ko ay hindi naman niya ko talaga minamanipula?

Kasi alam kong 'pag minamanipula ang isang tao ay dapat wala itong nararamdaman at walang sariling desisyon at walang kontrol sa sarili pero bakit ako ay meron?

~~

Ang sumunod naman ay ang nasa hardin kami ng Frost. Magkausap kaming dalawa at nakaupo sa sahig. Nakahiga si Julius sa hita ko.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi naman na kita minamanipula." Saad ni Julius. "Unang kita ko pa lang sa'yo ay malungkot ka na kaya binabantayan kita."

"Binabantayan? Bakit naman?" Tanong ni Julius. "Binabantayan kasi baka sa sobrang lungkot mo ay manggulo ka." Sagot ko.

"Responsibilidad kita kaya kailangan kitang bantayan. Ayokong magkaroon ng gulo sa payapang mundo na 'to." Dugtong ko pa.

Narinig kong tumawa si Julius at nakikita ko rin ang kasiyahan na 'yon sa mga mata niya. Nang nakita ko 'yon ay nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.

Parang ibang tao siya mula sa mga kinukwento ni papa sa'kin at mula din sa mga sinasabi ng ibang salamangkero na nakakausap ko noon.

Napahawak ako sa pisnge ko nang naramdaman may kong tumulo doon. Pagkakita ko ay lumuha na ako nang hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan.

"Kung ikaw lang din ang makakasama ko ay ayos na ako doon. Pinaramdam mo ulit sa'kin ang mga emosyon na hindi ko inaasahang mararamdaman ko ulit." Sagot niya.

"Salamat, prinsesa." Saad niya pa sa'kin at nakita kong napa-iwas ako ng tingin mula sa kaniya. Hinawakan ko ang tiyan ko at napangiti ng onti.

"Gusto kong lumaki ang anak natin sa payapang mundo." Saad ko sa kaniya. "Magiging payapa din, tiwala ka lang." Sagot ni Julius.

"Po-protektahan ko kayong dalawa, pangako 'yan. Mahalaga kayo sa'kin." Saad ni Julius. "Ang anak lang natin ang mahalaga sa'yo dahil ikaw ang ama niya. Hindi ako kasama doon."

"Kasama ka doon." Saad niya. "Bakit naman?" Tanong ko. "Hindi ko rin alam basta 'yon lang ang masasabi ko. Mahalaga ka sa'kin." Hinawakan niya ko sa pisnge.

~~

Ang sumunod na alaala naman ay ang oras na pinanganak ko si Cerulean. Karga niya si Cerulean at binantayan niya ko habang natutulog sa kama.

Nakangiti siyang nakatingin kay Cerulean at hinalikan siya sa noo. "Po-protektahan ko kayong dalawa ng mama mo, anak." Saad niya.

Napatingin siya sa direksyon ko at hinalikan din sa noo. "Mahal kita. Mahal na mahal kita." Bulong niya.

~~

Maraming nangyaring masayang alaala pagkatapos kong pinanganak si Cerulean at sinabi na rin namin sa isa't isa ang nararamdaman namin.

Kinasal na kaming dalawa at gumawa ng sarili naming pamilya sa kaharian ng Frost at lumayo mula sa kaharian ng Puissant para mamuhay ng payapa.

~~

Maya-maya lang ay naiba na ulit ang imahe at 'yon ay ang kausap ko si Gelo sa labas ng kaharian at mukhang nagtatalo kaming dalawa.

"Bakit ba ginagawa mo 'to? Hindi na kita maintindihan, Gelo." Saad ko sa kaniya. "Kasi mahal kita, prinsesa! Kaya ako nagkaganito!" Sigaw niya.

Halatang nagulat ako at gano'n din ang reaksyon ko ngayon. Ano kaya nangyari ngayon at hindi na niya ako halos pinapansin?

"Hindi kita mahal, Gelo. Sa tagal ko nang kasama si Julius ay minahal ko na siya. Nahulog na ako sa kaniya, Gelo kaya pasensya na kung hindi ko matatanggap 'yang nararamdaman mo." Sagot ko.

Nakita kong nasaktan si Gelo ng sobra at napakagat siya sa ibabang parte ng labi niya. Dumating naman sila Blizzara at Hail at tumingin sa'min nang nagtataka.

"Bakit mo siya biglang hinila palayo mula sa mahal na hari, Gelo?" Tanong ni Hail. "Gelo, alam kong nagseselos ka kasi hinalikan siya ng mahal na hari pero dapat hindi mo ginawa 'yon." Saad ni Blizzara.

"Tandaan mong mag-asawa na sila kaya kailangan mo nang tanggapin 'yon. Kailangan mo na siyang pakawalan!" Nagulat ako nang sinuntok ni Blizzara ang kapatid niya.

Agad namang pinalayo ni Hail si Blizzara mula kay Gelo. Ako naman ay nakatayo lang doon at nagulat din sa ginawa ni Blizzara.

"Iwan mo po sila sa'kin, prinsesa. Ako na po ang bahala sa kanila." Saad ni Hail at pumasok na ako sa loob ng kaharian.

Pagkapasok ko doon ay nakita ko sila Cerulean at Julius na nag-uusap sa trono. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Mahal kong prinsesa, gusto kong bumalik ka na sa kaharian ng magulang mo." Napatingin ako sa kaniya.

"B-bakit? H-hindi naman kailangan 'yon, mahal kong hari." Sagot ko at may tumulong luha na mula sa mga mata ko.

"Mahal kita at gusto kong sumaya ka. Hindi ka magiging masaya kung ikukulong lang kita dito, hindi ako gano'n kasarili, mahal kong prinsesa." Sagot niya.

"Pero masaya naman ako dito kasama ka, kasama kayong dalawa ni Cerulean." Sagot ko. "Pero mas masaya pa rin kung malaya ka at nagagawa mo ang gusto mo."

"Pero Julius-" Itinapat niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Ginagawa ko 'to dahil sapilitan kitang dinala dito dahil sa binuhay mo ko." Paliwanag niya.

"Ayokong magtuloy-tuloy 'to dahil sa responsibilidad mo dahil sa binuhay mo ko. Ayoko ng gano'n, mahal ko. Gusto ko nandito ka kasi mahal mo ako at hindi dahil responsibilidad mo ako."

"Pero mahal kita."

"Pero hindi ka masaya kasi may responsibilidad ka. Hindi ko kayang makita ka na ganiyan. Nandito ka lagi kasi hindi mo kayang harapin ang mga salamangkerong pinagtabuyan ka."

"Kahit na alam ko at ramdam kong mahal mo ako at masaya ka sa piling ko, nararamdaman ko pa rin na nahihirapan at nasasaktan ka pa rin dahil sa kanila."

"Matatagal ko nang napapansin 'yon. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita tungkol doon. Ayokong mas ikulong ka pa." Pinunasan niya ang luha ko.

"Kapag bumalik ka, ibig sabihin tayo talaga pero 'pag hindi, hindi. Kaya para hindi ka na masaktan pa ay tatanggalin ko 'yong alaala mo tungkol sa mga pinagsamahan natin at sa anak natin."

"'Wag Julius! 'Wag!" Sigaw ko at naging blangko na ang lahat.

~~

Nagising na lang ulit ako sa kwarto ko sa kaharian ng mga warlock at walang alam sa mga nangyari. Namuhay ako sa takot dahil baka may nagawa akong mali pero pakiramdam ko pa rin ay may mga nawawala akong mga alaala.

•••• END OF CHAPTER 20. •••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon