Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 10.
DANA'S POV
Gumagawa ako ng ritwal para maka-usap ang lahat mula sa ibang kaharian. Itinapat ko ang kamay ko sa bandang dibdib at ipinagsara ito.
May mga lumabas nang mga puting bilog sa paligid at nakita kong pumasok si Soul sa loob ng magic circle na ginawa ko.
"Ituloy mo lang. Delikado na ang sitwasyon kaya pwede tayong tumulong." Saad niya sa'kin. Napatingin ulit ako sa mga nalipad na puting bilog.
"Naririnig niyo ba akong lahat?" Tanong ko. "Mama? Ikaw po ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Abrevar. "Oo anak. Ako nga 'to." Sagot ko naman.
"Kamusta ang lagay diyan? Ano na ang balita?" Tanong naman ni Soul. "Delikado na ang lagay dito. Talagang kumalat na ang kapangyarihan ni Kera." Sagot naman ni Lia.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Soul at tumingin ulit kami sa mga puting bilog. "May tumutulong na isang diyos kay Kera. Abrevar, gusto kong hanapin mo siya at talunin." Saad ko.
"Nasa ilalim na ng pamumuno ni Kera sila Aira kaya hindi na ako magtataka kung bibigyan din sila ng gano'ng kapangyarihan ng diyos na tumutulong kay Kera." Dugtong ko pa.
"Kapag natalo ko po ba 'yong diyos na 'yon mawawala na ang kapangyarihan ni Kera?" - Abrevar.
"Sa kasamaang palad ay hindi. Pero ang maganda naman doon ay mawawala na ang malakas na kamampi ni Kera." Sagot ko.
"Parang kilala ko na ata kung sino ang diyos na 'yon." Komento niya. "Ano ba talaga ang plano ni Kera? Ang alam ko ay sinabihan niya kaming mag-ingat dahil sa nagsisimula nang umatake ang mga taga Frost." Saad ni Almira.
"Sinabi niya lang 'yon dahil inakala niyang kaya niya kayong gamitin laban sa mga warlock." Sagot ko. "Pero nagkamali siya nang nagsialisan ang karamihan sa inyo dahil ayaw niyong mangealam sa gulo." Dugtong ko pa.
"Kakalabanin ba natin sila Aira, Dana?" Napatingin ako kay Soul at nakita kong umiling siya. "Mas lalo lang lala ang sitwasyon kung kakalabin niyo ang pwersa nila." Sagot ni Soul.
"Maaaring maubos ang dalawang grupo kung lalabanan niyo ang isa't isa. Sa ngayon, mas maganda kung hanapin muna ang kakamping diyos ni Kera at talunin ito." Dugtong niya pa.
"Pero kailangan niyo munang gumawa ng paraan para makalabas mula sa mga kaharian niyo nang hindi naapektuhan ng kapangyarihan ni Kera." Saad ko naman.
"Ang mga hindi naaapektuhan ng kapangyarihan niya ay ang mga warlock at diyos lang." Dugtong ko pa. "Sa mga oras na 'to ay marami nang namamanipula si Kera mula sa ibang lahi." Saad ko.
AQUA'S POV
"Prinsesa, prinsesa..." Nagising ako ng narinig kong may tumatawag sa'kin ng mahina. Napatingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang kahit sino.
Matutulog na sana ulit ako nang naramdaman kong gumalaw ng kusa ang katawan ko na para bang may nagmamanipula sa'kin at nandilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...