Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 17.
DANA'S POV
Nagising ako nang naramdaman kong nasa panganib si Aqua. Uupo na sana ako nang agad akong pinigilan ni Soul gamit ang braso niyang nakayakap sa'kin.
Nakahiga siya sa tabi ko at binabantayan ako. "Si Aqua." Nginitian niya ako. "Ayos na siya. Prinotektahan siya ni Cerulean. 'Wag ka nang mag-alala." Sagot niya.
"Magbabayad si Kera sa ginawa niya." Galit kong saad. "Si Julius na ang bahala sa kaniya, mahal ko. Kinulong na niya si Kera at ang dalawa mo pang kapatid." Saad niya.
"Gaano katagal akong tulog?" Tanong ko sa kaniya. "Wala namang oras dito sa mundo natin kaya hindi ko rin alam kung gaano katagal." Sagot niya.
"Pero matagal?" Tumango siya. "Sobrang tagal." Sagot niya sa'kin. "Pasensya na kung pinag-alala kita."
"Para hindi na ako mag-alala, dito ka lang at hindi ka aalis dito." Tumango ako sa kaniya.
"Nag-lagay ako ng harang para hindi ka makaalis dito. Tandaan mo, ang anak natin ay nandiyan pa." Tumango ako. "Pasensya na. Hindi na mauulit 'yon." Sagot ko at niyakap siya.
THIRD PERSON'S POV
"Ginamit niya ang kapangyarihan ng dalawang hiyas para hindi umepekto ang sumpa ng prinsesa sa kaniya." Saad ni Gelo.
Nandito sila ngayon sa kulungan at pinapanood si Kera at ang dalawa pang kasama nito. Sinisiguro nila na hindi sila makakatakas pa.
"Hindi ko alam na kaya palang gawin 'yon ng mga hiyas. Mas malakas pa pala 'yon kesa sa mga warlock." Komento ni Ephera.
"Hindi gano'n 'yon." Napatingin silang lahat sa direksyon ni Julius. "Ang gumawa ng mga hiyas ay si Ryle, ang ama ng reyna ng mga warlock."
"Ibig sabihin no'n ay apo niya ang prinsesa dahil anak siya ng anak nito. Mas malakas ang reyna kesa sa ama niya pero mas malakas pa rin si Ryle kesa sa prinsesa." Paliwanag niya pa.
"Dahil mas malakas ang gumawa ng mga hiyas ay gano'n din kalakas ang mga ito?" Tumango si Julius kay Hail. "Kaya hindi naapektuhan si Kera dahil mas malakas ang mga hiyas kesa sa prinsesa dahil sa gumawa sa kanila." Sagot niya.
"Bakit niya po ba kasi ginawa ang mga hiyas na 'yan?" Tanong ni Blizzara. "'Wag niyo kong tanungin dahil hindi ko rin alam." Sagot ni Julius.
"Alam ko sa mga oras na 'to ay alam kong alam na ni Ryle kung ano ang nangyari. Sana naman ay sirain niya na ang mga hiyas na 'yan." Saad ni Shiva.
"Kamusta po siya?" Tanong ni Ephera. "Ayos lang siya, sa ngayon. Ginagamot pa siya ng hari ng Agua kaya wala tayong nagagawa kundi ang maghintay." Sagot ni Julius.
"Pero hindi ko inaasahan na gano'n kalakas ang anak ninyong dalawa, Julius. Hindi normal ang lakas ng kapangyarihan niya." Komento ni Shiva.
"Alam ko. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi niya magamit ang buong lakas ng kapangyarihan niya." Sagot naman ni Julius at napabuntong hininga.
~~
Nandito si Ryle sa bahay nila at pinaparusahan si Bryne dahil sa ginawa niya. "Kailan ka ba talaga tatanda?!" Galit niyang tanong.
Pinaluhod niya si Bryne sa asin na nasa bilao at umiiyak ito dahil sa sakit. Nanonood lang si Rhea at si Bryan naman ay nagawa lang ng class record niya.
"Ano ba talaga ang problema mo, Bryne?! Ganiyan ba ang tinuturo sa'yo sa academy na 'yan?! Na maging bastos at mag-asal na parang walang pinag-aralan?!" Pinalo niya ito ng latigo.
"Tama na po, papa! Tama na po." Naiyak na saad ni Bryne. Gusto sanang pigilan ni Rhea si Ryle pero hindi niya magawa. Ganiyan kasi ang patakaran sa Magique.
Kung sino man ang hindi magbibigay ng respeto sa mga dapat respetuhin ay papaluhurin sa asin at papaluin ng latigo para magtanda.
"Natututunan niya 'yan sa mga kaibigan niya sa academy. Mga walang magulang kasi 'yon kaya wala ring respeto. Pati nga sa mga professor ay mga walang respeto eh." Saad naman ni Bryan habang nagsusulat.
"Lumayo-layo ka sa mga kaibigan mong 'yan kung ayaw mong papuntahin kita sa Magique at harapin ang digmaan doon!" Sigaw ni Ryle at pinatayo na niya si Bryne.
"Sabi ko naman sa'yo eh. Kaibiganin mo ang Rose-sisters mas maganda pa. Mga witch man pero at least mabait sila at may respeto kahit na hindi sila lumaki kasama ang tatay nila." Saad pa ni Bryan.
"Hindi ka naman namin pinalaki ng ganiyan para magkaganiyan ka." Saad niya pa. "Kasi naman kung may problema, sabihan mo kami. Makikinig naman kami anak." Saad ni Rhea.
"Wala naman po kasing problema eh." Naiyak na saad ni Bryne. "Kung walang problema, bakit ka nagkakaganiyan?" Tanong ni Rhea.
"May kulang ba? May pagkukulang ba kami? Kasi no'ng bumisita si papa kay Dana galit na galit ka kay Dana to the point na ayaw mo siyang maging parte ng pamilya." Saad naman ni Bryan.
"Sabihin mo nga. Bakit? Anong meron? Paano natin nareresolba 'to kung hindi ka magsasalita?" Saad ni Ryle.
"Naiinggit ako. Kasi kahit na wala siya dito ay iniisip niyo pa rin siya pero ako nandito lagi parang hindi niyo naman nakikita." Sagot ni Bryne.
"Nakikita niyo lang ako 'pag nagkakamali ako. 'Pag si ate Dana nangailangan ng tulong nandoon agad si papa pero 'pag ako wala kahit isa." Napatigil si Bryan mula sa pagsusulat.
"Lagi ka naman namin tinutulungan 'pag may binibigay na assignment si professor Mychuka saka si Hudson. Isama mo na rin si Hashton." Sagot naman ni Bryan.
"Lagi naman kaming pumupunta sa mga events na meron sa academy anak. Hindi ka naman namin nakakalimutan." Saad naman ni Rhea.
"We did everything para lang maramdaman mo na nandito lang kami. Ikaw mismo ang lumalayo sa'min anak. Ikaw mismo ang nagsasara ng pinto mo sa'min." Dugtong niya pa.
"Lagi kitang kinakausap at kinakamusta anak. Hindi ka naman namin pinapabayaan. Nandito pa nga kami para sa'yo eh." Pinagaling na ni Ryle ang mga sugat ni Bryne.
"Saka 'wag kang mag-alala, si Dana din naranasan niya 'yan dati at hindi lang ikaw. Parehas kasi kayong makulit." Komento ni Bryan.
"Kinukunsinte nga lang nila Leirey, Danera at Ynna." Napakamot ng buhok si Ryle dahil sa naalala niya ang tungkol doon.
"Lumayo ka na sa mga kaibigan mong 'yon ah." Tumango si Bryne kay Ryle at niyakap nila siyang tatlo.
"Bryan, pakisabihan si Soul na bawiin lahat ng mga hiyas at ibalik sa'kin lahat. Sisirain ko na 'yon. Napahamak na si Aqua dahil sa mga hiyas na 'yon." Utos ni Ryle.
"Naiintindihan ko po, pa." Saad ni Bryan at umalis na siya.
"Sino po si Aqua?" Tanong ni Bryne. "Anak ni Dana. Pamangkin mo." Sagot ni Ryle. "Gusto ko po silang makilala." Saad ni Bryne. "Sa susunod, ipapakilala ko sila sa'yo." Pinunasan ni Ryle ang luha ni Bryne.
~~
Nandito na sa gubat si Bryan at papunta na sa lagusan nang nakita niya si Roséia na nakatayo doon. Nilapitan niya ito at nagulat si Roséia nang nakita siya.
"Professor, ikaw po pala." Saad niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Sa Magique po namin ginagawa ni professor Blood ang special lecture niya sa'kin." Sagot ni Roséia.
"Sige. Tara na, dalhin na kita sa kaniya." At pumasok na silang dalawa sa lasugan.
•••• END OF CHAPTER 17. ••••
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...