Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 16.
THIRD PERSON'S POV
Dinala na ni Blood sa lagusan si Roséia at pumasok na siya doon. Nang sumara na ang lagusan ay napatingin si Blood kay Assiliré.
"Tara na. Ibabalik na rin kita sa kaharian ng Ligero. Pagkarating doon, magpaalam ka agad sa kanila at sabihan sila kung bakit bigla kang nawala." Tumango si Assiliré.
~~
Binalik na ni Blood si Assiliré sa kaharian ng Ligero at agad namang nilapitan nila Lia si Assiliré. Niyakap siya ni Heimdallr.
"Bakit ka ba bigla nawala? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami nag-aalala sa'yo." Saad ni Lia at napatingin siya kay Blood.
"Una na ako." Paalam ni Blood at aalis na sana siya nang pinigilan siya ni Heimdallr. "Maraming salamat sa pagbalik mo sa anak namin." Saad nito.
"Wala 'yon. Pakisabihan na lang na 'wag maging makulit. Nairita ako sa kaniya kanina." Umalis na siya. "Mama, papa, babalik po ako sa kanila simula bukas para turuan manggamot." Nagkatinginan sila Lia.
"Pwede din po ba akong sumama sa kanila? Gusto ko ring matuto manggamot para naman po makatulong ako sa inyo." Saad ni Fira.
"Kausapin natin siya bukas." Sagot ni Assiliré. "Sige. Payag kami. Mukha naman siyang mabait eh at aalagaan kayo." Sagot ni Adranus. "Salamat po." Nakangiting sagot ni Fira.
~~
Dumating na sila Julius at Abrevar sa kaharian ng Agua. Agad silang nilapitan ng mga kawal at sumunod sa kanila.
"Nasaan ang iba?" Tanong ni Abrevar. Napatingin naman si Julius sa mga naglalakad palapit sa kanila. "Tito, gagawa na po tayo ng plano para talunin si Kera." Saad ni Abrevar.
~~
Naiwan naman sila Aqua kasama nila Cerulean at Evra sa kaharian ng Frost. Tuwang-tuwa si Cerulean dahil kay Evra at si Evra naman ay natawa ng malakas.
"Ma, pwede po bang magkaroon po ako ng kapatid na babae?" Tanong ni Cerulean. "'Pag payapa na ang lahat, sige anak." Mas lumawak ang ngiti nito dahil sa narinig.
~~
Nandito na sila Gelo sa syudad ng Glace at kasalukuyang hinahanap si Shiva. "Baka naman nag-ibang lugar na si mama." Saad ni Hail.
"Tignan pa natin at 'pag wala talaga tigil na tayo." Saad naman ni Blizzara. Maya-maya lang ay may lumapit sa kanilang isang magandang babae at kinausap sila.
"Kanina ko pa kayo nakikitang nagpa ikot-ikot. May problema ba kayo? May hinahanap o may nawala ba kayo?" Tanong ng babae.
"May kilala po ba kayong Shiva? Siya po ang warlock ng niyebe at siya po ang nanay namin." Nagulat ang babae nang narinig niya ang isinagot ni Gelo.
"Sumunod kayo sa'kin. Tara." Sumunod silang tatlo sa babae dinala sila nito sa isang maliit na bahay. Pagkapasok nila doon at may nakita pa silang isang magandang babae na nakapula at may mga rosas ito sa buhok.
"Ephera, gawan mo kami ng mainit na tsaa." Utos ng babae. "Opo, master." Nakangiting sagot nito. Napatingin si Ephera kay Gelo.
"May mga bisita ka po pala master. Gagawan ko po sila ng masarap at mainit na tsaa." Saad ni Ephera. Gumawa na ng tsaa si Ephera at pinaupo ng babae sila Gelo sa sofa.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...