Chapter 15.

294 6 0
                                    

Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 15.

AQUA'S POV

Nagising ako ng isang gabi at napahawak sa tiyan ko. May narinig akong mga hikbi at agad ko namang nilapitan ang ingay na 'yon.

Dinala ako ng ingay sa isang kwarto at napasilip doon. Nakita ko si Julius naka-upo sa kama niya at lumuluha. Hindi ako lumapit at pinanood lang siya.

"Gusto kong mabuhay muli pero naalala kong wala na nga pala akong babalikan dito." Rinig kong saad niya sa sarili niya. Uminom siya ng isang malamig na alak.

Nakikita ko at nararamdaman ko ang lungkot niya kaya naman lumapit ako sa kaniya at napatingin siya sa direksyon ko. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya.

"Ilabas mo lang ang lahat ng nararamdaman mo. Hindi mo naman kailangang itago 'yan eh. Mas lalo ka lang masasaktan kung itatago mo." Saad ko.

Kinuha ko mula sa kaniya ang baso at inilapag 'yon sa lamesa. Naramdaman kong niyakap niya rin ako at umiyak.

"Nagpapasalamat akong binuhay mo ko ulit pero doon ko lang rin naalala na wala na akong babalikan pa. Trinaydor na ko ang pinakamamahal kong babae." Saad niya.

"Pinatay ko ang mga magulang niya at ang iba pang mga tao na tumanggap sa'kin ng buong-buo dahil sa pagkakatraydor niya." Dugtong niya.

"Matagal na kong naninirahan mag-isa at ang lungkot no'n. Wala akong makausap at wala akong makasama. Walang ibang tumanggap sa'kin kundi siya lang pero trinaydor niya lang ako." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Pero nandito naman ako." Nakangiting saad ko. Napatingin siya sa direksyon at pinunasan ang luha niya sa mga mata niya. "At sa susunod na mga araw ay ipapanganak ko na ang anak natin kaya may makakasama ka na." Dugtong ko pa.

"Hindi ka na mag-iisa kahit kailan dahil nandito na kami, mahal na hari." Mas lalo kong pinalawak ang ngiti ko para maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.

Simula din ng mga oras na 'yon ay naging masaya ang pagsasama namin at walang makakabawi no'n. Hanggang sa ipinanganak ko na ang anak namin at inalagaan namin siyang dalawa.

~~

Nagising ako nang may tumatapik sa pisnge ko at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Cerulean na nakatitig sa'kin.

"Ma, bakit po kayo nandito? Nag-away po ba kayo ni papa?" Tanong niya. "Hindi kami nag-away, anak. May pinuntahan lang ang papa mo kaya lumipat ako dito." Sagot ko.

"Mama, alam niyo po bang laging malungkot si papa nang hindi ka na po madalas nakakapunta dito dati?" Umiling ako. Hindi ko alam ang tungkol diyan.

"Dapat po bumawi kayo kay papa kasi lagi po siyang malungkot at umiiyak nang nawala ka. Gano'n din po ako." Niyakap ko siya. "Pasensya na kung ginawa ko 'yon." Sagot ko.

Ano ba ang nangyari at itinigil ni Julius ang pagmamanipula niya sa'kin? Marami na akong naalala pero kulang pa rin. Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi na ko bumalik dito.

"Babawi si mama ah. Hayaan mo kong bumawi sa inyong dalawa." Tumango siya at hinalikan ko siya sa noo. Umupo na ko mula sa kama at tumayo.

"Tara. Puntahan natin ang papa mo." Bumaba na siya mula sa kama at pumunta kay Julius. Nakita namin siya sa trono at nahalata kong malungkot na naman siya.

Lumapit kami ni Cerulean sa kaniya at napatingin siya sa'min. Kahit na no'ng una ay inisip ko na mukha siyang nag-uugod-ugod na matandang lalaki habang kinukwento ni papa sa'kin ang tungkol sa kaniya ay nag-iba 'yon nang nakita ko na talaga siya sa personal.

Niyakap ko siya ng mahigpit at nahalata ko na nagulat siya. "May nangyari ba?" Umiling ako. "Pasensya na kung naging malungkot ka nang hindi na ko bumalik dito." Bulong ko.

Naramdaman kong niyakap niya ko at napangiti ako ng palihim. "Pwede bang sabihin mo sa'kin kung bakit tumigil ako sa pagpunta dito?" Tanong ko.

"Hindi mo pa ba naalala ang lahat?" Umiling ako. "Hahayaan kong maalala mo muna ng kusa at doon tayo mag-uusap." Saad niya at tumango ako.

"Paano ako makakabawi sa'yo? Kahit ano ayos lang." Saad ko. "Dito ka lang. Akin ka na lang. Sa akin ka lang." Hinawakan ko siya sa pisnge at ngumiti.

"Hindi ko pa naalala ang lahat pero pakiramdam ko ay matagal na kong sa'yo. Sa'yo lang ako at hindi ako mapupunta kahit saan at kahit kanino." Sagot ko.

Hinalikan niya ko sa noo at ngumiti siya ng matamis. "Hindi ka na malulungkot ulit. Nandito na kami ng anak mo." Saad ko sa kaniya at hinalikan din siya sa noo.

"Po-protektahan ko kayo, pangako 'yan." Saad niya. Napatingin kami sa pumalakpak at nakita ko si Abrevar. Kumunot ang noo dahil sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?

"Nakikita ko naman na masaya si ate sa'yo kaya hindi na ko mag-aalala sa kaniya." Saad niya. May karga siyang sanggol at lumapit sa'kin. Tinignan ko 'yong karga niya.

"Anak ko kay Erich." Kinuha ko mula sa kaniya ang anak niya at niyakap siya. "Evra ang pangalan niya." Saad niya. Lumuhod ako kay Cerulean para makita niya ang pinsan niya.

"Anak, kababata mong pinsan pero sana alagaan mo rin siya ng isang tunay na kapatid." Nakita kong masaya siya at hinalikan ang pinsan niya.

"May kapatid na ako. Aalagaan ka ni kuya kaya 'wag kang mag-alala." Saad niya at napatawa kaming lahat. "Ito pala ang pamangkin ko. Masaya akong makilala ka." Lumuhod din si Abrevar at niyakap si Cerulean.

"Cerulean ang pangalan niya." Pagpapakilala ko. "Tito!" Niyakap niya si Abrevar at 'yon din ang ginawa ni Abrevar. "Kailangan na nating talunin si Kera para makakuha na tayo ng kapayapaan." Saad ko.

"Gumagawa na kami ng paraan para diyan. Kailangan namin ng tulong mula sa Frost." Sagot ni Abrevar. "Handa akong makipagtulungan." Sagot naman ni Julius.

THIRD PERSON'S POV

Nandito pa rin sila Roséia at Assiliré sa bahay ni Blood at tumutulong gumawa ng gamot gamit ang mga halaman na panggamot.

"Ganito po ba 'yon?" Tanong ni Assiliré. Tinignan naman ni Blood ang ginawa niya at tumango. "Tuloy mo lang 'yan. Tama 'yan." Sagot ni Blood.

"Roséia, pagkatapos niyan ay ibabalik kita sa Arizalma at ibigay mo 'yan sa nanay mo. Kakailanganin niya 'yan para makontrol ang Roseus." Saad ni Blood at tumango si Roséia.

"Kahit na alam kong kontrolado na niya ito ay kailangan pa ring makasiguro na hindi basta-basta magwa-wala 'yon." Paliwanag ni Blood.

"At ikaw, pagkatapos niyan ay bumalik ka na sa kaharian ng Ligero. Sinabihan ko na sila na nandito ka at 'wag ka munang puntahan dahil ayoko ng mga bisita." Saad ni Blood.

"Pwede po bang bumalik dito at magpaturo kung paano gumawa ng gamot at manggamot?" Napabuntong hininga si Blood at napapikit. "Ito ang dahilan kung bakit gusto kitang ibagsak ngayon, Roséia." Saad ni Blood.

"Professor naman eh. Lagot ako kay mama niyan." Angal ni Roséia at napa-iling na lang si Blood.

"Sige. Dapat maaga nandito ka na. Sabihan mo muna ang mga magulang mo para hindi sila nag-aalala. Susunduin kita sa harap ng kaharian niyo." Napangiti naman si Assiliré at tinuloy na niya ang ginagawa niya.

•••• END OF CHAPTER 15. ••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon