Chapter 4.

399 11 0
                                    

Date Published: June 3, 2017
Date Re-Published: 
February 22, 2020.

CHAPTER 4.

THRID PERSON'S POV

Magkasama sila Abrevar at Erich ngayon sa isang batis kung saan lagi silang nagkikita. Magkayakap silang dalawa habang nakatingin sa kalangitan.

"Mahal kong hari, gusto kong alagaan mo ang anak natin 'pag pinanganak ko na siya." Mahinang saad ni Erich. "Syempre naman. Aalagaan ko siya." Sagot naman ni Abrevar.

"Basta lagi mong tandaan na mahal kita, kahit na anong mangyari ay hindi magbabago 'yon." Saad pa ni Erich. Hinalikan siya ni Abrevar sa ulo at hindi na sumagot pa.

Pinigilan ni Abrevar na magsalita tungkol sa nalaman niya dahil ayaw niyang malungkot si Erich sa huling sandali na magkasama sila bago siya mamatay sa isang sumpa.

"Sana maging masaya kayo ng magiging anak natin." Napakagat ng ibabang labi si Abrevar para pigilan ang sarili niya na umiyak. Mas lalong napahigpit ang pagkakayakap niya at nanahimik na lang.

DANA'S POV

Kanina pa ko napapatitig kay Soul dahil parang hindi siya nag-aalala sa sitwasyon ni Aqua ngayon. Matagal na naming alam ang tungkol sa kanilang dalawa ni Julius pero wala man siyang ginagawa para sa anak namin.

"'Wag mo kong titigan ng ganiyan, mahal ko. Ayos lang si Aqua doon at alam kong hindi siya sasaktan ni Julius." Saad niya habang nagbabasa ng libro.

"Paano kung may gagawin sa kaniya si Julius nang hindi natin alam?" Sinara niya 'yong librong binabasa niya at tumingin sa'kin. Nginitian niya ko ng matamis.

"Nag-usap na kami ni Julius no'n at sabi niya ay makakasiguro tayong ligtas si Aqua sa kaniya. Wala siyang gagawing masama kay Aqua kaya 'wag ka na mag-alala." Sagot niya.

"Paano ka nagiging kalmado sa ganitong sitwasyon? Hindi ka ba nag-aalala sa anak natin?" Napabuntong hininga siya at tumabi sa'kin.

"Nag-aalala din ako pero kailangan nating magtiwala kay Aqua. Hindi matututo si Aqua kung alam niyang lagi tayong nandiyan para tumulong sa kaniya."

"Kailangan niyang matutunan na gawin ang mga kailangan niyang gawin ng mag-isa. Kapag naging delikado na talaga ang sitwasyon, doon lang tayo mangengealam, naiitindihan mo?" Tumango ako.

Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ng mahigpit. "Panoorin na lang natin ang mangyayari. Hayaan natin si Aqua na harapin ang dapat niyang harapin na mag-isa." Bulong niya.

"Hindi sa lahat ng oras ay nandito tayo para tulungan sila, mahal ko. Alam mo naman 'yon diba?" Tumango ulit ako. Tulad ng ginawa ni papa sa'kin noon.

Hinayaan niya lang akong gawin ang gusto kong gawin pero 'pag delikado na ay doon lang siya tutulong. Gano'n din ang ama ni Soul sa kaniya. Naiintindihan ko kung bakit hindi kami natulong kanila Aqua ngayon.

"Tungkol sa sitwasyon ni Abrevar, alam kong maghihilom din ang sugat sa puso niya paglipas ng panahon." Bulong niya ulit. "Alam ko 'yon mahal ko at naiintindihan ko 'yon." Nakangiting sagot ko.

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon