Epilogue.

624 10 0
                                    

Date Published: June 25, 2017 
Date Re-Published: February 22, 2020.

EPILOGUE.

AQUA'S POV

Dumating na kami sa mundo ng mga manggagaway at pinalitan ni mama ang suot naming mga damit. Karga ko si Cerulean at karga naman ni Abrevar si Evra.

Naglakad na kami palabas mula sa gubat at pagkalabas namin ay may nakasalubong kaming limang lalaki at tatlong babae.

"Hindi niyo ba alam na nakaharang kayo sa daanan?" Tanong ni mama habang nakapamewang. Napalingon sa kaniya 'yong magkakaibigan.

"Dana? Dana!" Niyakap si mama ng isang babae. Parang may kamukha siya pero hindi ko maalala kung sino. Tinitigan ko lang siya ng mabuti at inalala kung sino ang kamukha niya.

"Kamukha niya si Roséia." Bulong ko nang naalala ko na kung sino ang kamukha niya. Napatingin siya sa direksyon ko at ngumiti.

Narinig niya pala ako. Saad ko sa isip ko.

"Anak ko si Roséia." Nakangiting saad niya. Nagulat ako nang sinabi niya 'yon. "Magkaibigan pala ang anak natin, Dana." Nakangiti niya pang saad kay mama.

"Isang beses ko lang po siya nakilala." Saad ko. "Pag-pasensyahan mo na. Ganito lang talaga 'to. Kahit na nakakairita siya ay mabait naman siya." Sinikuhan niya ang lalaki.

"Ynna, mamaya na lang ulit. Pupunta lang kami kay papa." Saad ni mama at humiwalay na siya mula sa babae. Sumunod na kami kay mama at iniwan ang grupo na 'yon doon.

"Ibang-iba 'to sa mundo natin." Saad ni Abrevar. "Sobrang iba. Mukhang payapa pa." Komento ko naman. "Hindi tulad sa'tin na puro gulo." Sagot naman niya.

"Nandito na tayo." Saad ni mama at nasa harap na kami ng isang hindi kalakihang bahay. May lumabas na isang dalaga mula sa loob at nagulat nang nakita niya kami.

"Pa, nandito na po 'yong hinihintay niyo!" Sigaw nito at lumapit kay mama. "Ikaw pala si ate Dana. Masaya akong makilala ka, ate." Nahihiyang saad niya.

"Bryne. Lagi kang kinu-kwento ni Dion at Assiré sa'kin. Lagi nilang kinu-kwento kung gaano ka kasutil kanila papa." Napakamot ang babae ng pisnge niya.

"Ako pala si Bryne. Kapatid ko si ate Dana. Masaya akong makilala kayo." Saad niya sa'min. Natawa naman si mama. "Mas bata pa siya, kesa sa inyong dalawa." Komento naman ni mama.

"Kahit tawagin niyo lang akong Bryne. Mas matanda naman kayong dalawa kesa sa'kin eh." Saad naman ni Bryne. Nginitian ko siya at si Abrevar naman ay tinitigan lang siya.

"Ate, may problema po ba sa'kin ang anak niyong lalaki?" Natatakot niyang tanon kay mama. "Pag-pasensyahan mo siya. May iniisip lang talaga 'yan." Sagot ni mama.

May dumating nang isang lalaki at isang babae at kasama nila si tito Bryan. Agad ko namang nilapitan si tito Bryan dahil siya lang ang kilala ko.

"Nandito ka na naman. Ano na naman ang ginagawa mo dito? Manggugulo ka na naman?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

"Hindi naman po ako nanggulo nang pumunta ako dito ah." Sagot ko. Hinawakan niya sa ulo si Cerulean. "May malakas siyang kapangyarihan na dapat niyong bantayan ni Julius."

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon