Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 11.
THIRD PERSON'S POV
Nandito si Dana sa kaharian ng Puissant at hinarap si Kera. Maraming nagtapat ng armas sa kaniya at isa na ang kapatid niyang si Aira doon. Itinigil ni Dana ang oras ng mga nakapaligid sa kaniya pwera lang kay Kera.
"Itigil mo na 'to, Kera. Walang mangyayari kung itutuloy mo 'to." Saad ni Dana. Hawak na niya ang setre niya na matagal na niyang hindi ginamit.
Ang setre na 'yon ay ang ginamit niya sa buong oras nang nag-aaral pa siya sa Geledone Academy. Ibinigay sa kaniya 'yon ng head-wizard para mas makontrol niya ng maayos ang kapangyarihan niya.
Ang setre na 'yon ay may mahabang hawakan, may simbolo ng tubig sa isang dulo nito at may patalim na nakatago mula sa kabilang dulo.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatay ang mga warlock." Tumayo na si Kera mula sa kakaupo niya at kinuha ang ispada niya.
Lumapit siya kay Dana at inatake niya ito. Iniharang ni Dana ang setre niya sa harap para pigilan ang atake ni Kera. Iniharap naman ni Dana ang isang dulo ng setre kay Kera at may lumabas na isang mahika na gawa sa tubig.
"Aah!" Napalayo ng onti si Kera nang natamaan siya nito. Inikot-ikot ni Dana ang setre niya sa kamay at ipinalo ito sa sahig. May lumabas na maraming tali na gawa sa tubig at pumulupot ito kay Kera.
"Pakawalan mo ko ngayon din!" Sigaw ni Kera. Itinapat ni Dana ang setre niya kay Kera. "Mas maganda kung papahirapan na muna kita." Saad ni Dana at napatingin sa kasama niyang lalaki.
"Sa lahat ng pwede mong paghingian ng tulong ay bakit ako pa, Dana?" Tanong ng lalaki. Pinatunog niya ang dalawa niyang daliri at napahiyaw si Kera dahil sa isang pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman.
"Ikaw lang naman ang alam kong may nakakadiring mahika, Chinzen." Komento ni Dana. "Kung kadiri siya, bakit ako?" Tanong pa ni Chinzen.
"Dahil alam kong ito ang tamang mahika para pahirapan ang kalaban." Sagot naman ni Dana. "Kamusta nga pala kayong dalawa?" Tanong ni Dana.
"Gano'n pa rin. Hindi nagpapansinan at umiiwas pa rin siya. Sa tuwing nakikita ko siya at nakikita niya ako ay nakikita kong nalulungkot at nasasaktan siya nang dahil sa'kin." Sagot ni Chinzen.
"Susuko ka na ba? Pwede niyo pa namang ayusin 'yan kaya bakit ayaw niyong pag-usapan?" Tanong ni Dana. "Siya ang may ayaw makipag-usap. Ginagawa ko ang lahat para maka-usap lang siya." Sagot nito.
"Gamitan mo ng kapangyarihan mo para makipag-usap sa'yo." Mas lalong napasigaw si Kera dahil sa sensasyong nararamdaman nito. Namumula na ang mukha niya at dahil doon ay itinigil na ni Chinzen ang pagpapahirap.
"Ayos lang pala si Ynna ngayon. Matagal na panahon na rin ang nakararaan nang nangyari 'yon at nailigtas naman siya ng mga kaibigan niya." Napangiti si Dana.
"Salamat sa impormasyon, Chinzen." Nakangiting saad ni Dana at nawala na ang kaba na nararamdaman niya noon hanggang ngayon.
"Balik na ako sa Tribarian. Baka hinahanap na ko nila commander doon." Naglakad na paalis si Chinzen. "Salamat sa tulong." Pahabol na saad ni Dana at pinakawalan na niya si Kera.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...