Chapter 5.

372 11 0
                                    

Date Published: June 3, 2017
Date Re-Published: 
February 22, 2020.

CHAPTER 5.

AQUA'S POV

Magkatabi kami ni Julius ngayon sa isang bato na natatabunan ng niyebe dahil sasabihin na niya ang lahat sa'kin na dapat kong malaman.

"Ang batang 'yon, siya ang anak natin. Ang pangalan niya ay Cerulean. No'ng una natin pagkikita ay bigla kang nawalan ng malay." 'Yon ang naalala ko.

"Pagkagising mo ay minanipula kitang halikan ako." Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatitig siya. "'Yon ang ginawa kong bayad sa pagbuhay mo muli sa'kin."

"Simula no'n lagi kita minamanipula na pumunta dito sa kaharian at makipagkita sa'kin. Matagal na panahon na rin simula no'ng magkasama tayong dalawa." Pagku-kwento niya.

"Hanggang sa nahulog na ako sa'yo ng tuluyan." Sa bawat pagsasalita niya ay nararamdaman kong seryoso siya at hindi siya nagbi-biro. Hinawakan niya ko sa pisnge.

"Alam kong wala kang maalala tungkol sa mga panahon na magkasama tayo pero sisiguraduhin kong mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo." Hinalikan niya ko sa pisnge.

"Maalala mo rin ang lahat, tandaan mo 'yan, mahal kong prinsesa." Dugtong niya pa at tumayo na siya. Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko 'yon.

Dinala na niya ako sa loob ng kaharian at doon namin naabutan si Cerulean na naglalaro mag-isa. Nang napansin niya kaming dalawa ay agad siyang lumapit sa'min.

"Mama, laro na po tayo. Sali ka na rin po papa." Pag-aaya niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Hinila na niya ako palapit sa pwesto niya kanina at umupo siya.

Tumabi ako sa kaniya at ginulo ang nilalaro niyang chess. Lumapit din sa'min si Julius at umupo sa harap namin. "Magkakampi kayo tapos ako kalaban." Tuwang-tuwa naman si Cerulean at pumalakpak.

"'Pag natalo po si papa ay tuturuan niya po akong gumamit ng mga mahika. At 'pag natalo kami ni mama ay dito na po siya titira!" - Cerulean.

"Anak, alam mo namang hindi pwedeng manatili dito ang mama mo." Nakita kong lumungkot siya dahil sa sinabi ni Julius. "Anak, payag ako. Dito na ko mananatili 'pag natalo tayo." Ngumiti siya ulit.

"Talaga po? Payag kayo?" Tumango-tango ako sa kaniya. "Payag daw po si mama, papa!" Napatingin ako kay Julius at nakita kong masaya din siya.

"Sige. Tara. Maglaro na tayo." Nagsimula na kaming maglaro ng chess at hindi ko na namalayan ang oras.

THIRD PERSON'S POV

Ngayon na manganganak si Erich at nasa tabi niya si Abrevar na walang pinapakitang ekspresyon sa mukha. Halatang nahihirapan si Erich na ipanganak ang anak nila dahil ito na rin ang huling araw niya sa mundo.

"A-Abrevar, mahal na mahal kita... T-tandaan... mo 'yan..." May narinig na silang iyak ng sanggol at hinalikan niya si Erich sa noo.

"Mahal na mahal din kita. Ako na ang bahala sa anak nating dalawa." Seryosong saad ni Abrevar at ngumiti si Erich at ipinikit na niya ang mga mata niya.

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon