Chapter 18.

289 7 0
                                    

Date Published: June 15, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 18.

THIRD PERSON'S POV

Wala pa ring malay si Aqua hanggang ngayon at binabantayan pa rin siya nila Abrevar at Cerulean. Karga ni Abrevar ang anak niya habang naka-upo sa gilid ng kama.

Si Cerulean naman ay naka-upo din sa gilid ng kama habang nakatitig kay Aqua at nakahawak sa kamay nito. "Tito, ano po 'yong hiyas? Narinig ko po kasi may mama kanina 'yon eh." Tanong ni Cerulean.

"Ang hiyas ay nanggaling kay lolo. Ginawa niya 'yon para maging proteksyon para sa kaharian ng Magique pero pwede din siyang gamitin para manakit." Sagot ni Abrevar.

"Tulad po ng ginawa nila kay mama?" Tumango siya. "Sana patayin na sila ni papa." Saad ni Cerulean. Napatingin sila sa dumating at nakita nila si Hail.

"Hindi pa pala siya gising hanggang ngayon." Saad niya nang nakita niyang wala pang malay si Aqua. Naglakad siya palapit kay Cerulean.

"Mahal na prinsepe, pinapatawag ka po ng mahal na hari." Bumaba na mula sa kama si Cerulean at lumabas. Nang naiwan na lang sila Abrevar doon ay napatingin si Hail sa anak nito.

"Anak niyo po siya, mahal na hari?" Tanong ni Hail. "Oo. Anak ko siya." Simpleng sagot naman ni Abrevar. "Ang sarap niyang titigan." Komento pa niya.

"Kamukha niya ang ina niya." Nakangiting saad ni Abrevar. "Pero patay na siya. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya mula sa sumpa niya." Dugtong niya pa.

Umupo si Hail sa tabi ni Abrevar at sinundot-sundot niya ang pisnge ng anak ni Abrevar. Nakita naman niyang napangiti si Evra at napangiti si Hail.

Napatitig si Abrevar kay Hail habang nakangiti ito. Napa-iwas si Abrevar ng tingin dahil sa may naramdaman siyang kakaiba at kailangan niyang iwasan 'yon kahit na anong mangyari.

"Pwede bang 'wag mong ganiyanin ang anak ko dahil baka naiirita na siya." Sita ni Abrevar pero hindi siya pinansin ni Hail.

"Hindi naman mukhang naiirita ah. Tignan mo nga oh. Natawa pa siya saka nakangiti." Sinundot niya ulit ang pisnge ni Evra at tumawa ulit 'to ng malakas.

"Ayos lang 'yan. Nae-engganyo pa nga siya oh." Saad pa ni Hail. "Masyado kang seryoso, mahal na hari. Pwede namang ngumiti kahit onti lang." Hinawakan ni Hail ang magkabilang gilid ng labi ni Abrevar at pinangiti siya nito.

"Sige na. Ngiti na. Alam ko namang nag-aalala ka sa mahal na prinsesa pero magiging maayos din siya. Sige ka. Gusto mo bang malungkot din siya 'pag nakita ka niyang manlungkot?" Pangonginsensya niya pa.

"Tss." Pilit na ngumiti si Abrevar at mas napatawa si Evra. "Tignan mo 'yan. Mas lalong sumaya anak mo nang nakita niyang ngumiti ang tatay niya." Komento pa ni Hail.

"Oo na. Kaya pwede ka nang manahimik." Sagot ni Abrevar at napa-iling na lang pero nakangiti pa rin siya.

~~

Naglalakad papunta sa kwarto sila Blizzara at Gelo nang naabutan nilang nagku-kulitan ang dalawa. Napatingin silang dalawa sa isa't isa at bumalik na lang sila sa trono at hindi na sila inistorbo pa.

~~

Dumating na si Bryan sa kaharian ng mga warlock at agad siyang sinalubong ni Soul. "Soul, pinapasabi ni papa na kunin mo lahat ng mga hiyas."

"Bakit? Dahil ba sa nangyari kay Aqua?" Tumango si Bryan. "Pati rin ba 'yong sa kapatid mo?" Tumango ulit ito sa kaniya.

"Sige. Ako na ang bahalang kumuha no'n. Papuntahin ko na lang si Dana sa mundo ng mga manggagaway para naman makabisita siya sa inyo." Sagot ni Soul.

"Salamat." Hinawakan ni Bryan si Soul sa balikat at tumalikod na ito. "Sisirain na niya ba?" Pahabol na tanong ni Soul.

"Hindi ko rin alam. Pinapakuha niya lang sa'yo eh." Umalis na siya mula sa kaharian. Naiwan si Soul sa kinatatayuan niya at napabuntong hininga.

"Kailangan na naming patayin si Kera bago pa mahuli ang lahat." Saad niya sa sarili niya at pumunta na siya kay Dana.

~~

Nandito sila Odin sa kaharian ng Agua at nag-aalala. Nalaman din kasi nila kung ano ang nangyari kanila Dana at Aqua at hanggang ngayon ay wala pa silang nakukuhang balita tungkol sa dalawa.

"Si Aqua. Sana ligtas siya." Nag-aalalang saad ni Aires. "Sa totoo lang ay ang magkakapatid lang ang nagtaboy sa kaniya at hindi tayo kasama doon." Saad naman ni Eurus.

"Kahit na anong paliwanag natin ay hindi sila nakinig kaya hindi na ako nagtataka kung galit siya sa mga tita niya pero bakit hindi niya kinuha ang pagkakataon na 'yon para makaganti?" Saad ni Odin.

"Baka kasi iniintindi niya pa rin kung bakit po nila nagawa 'yon?" Patanong na saad ni Aia. "Baka naman po kinikilala pa rin sila ni ate Aqua bilang kadugo." Komento naman ni Ria.

"Hindi naman tayo magagalit kung sinaktan niya sila Aira at maiintindihan pa nga natin siya eh." Sagot naman ni Eurus.

"Ang mahal na reyna naman ay tinulungan pa rin tayo kahit na malaki ang kasalanan natin sa anak niya." Komento ulit ni Odin.

"Masyado silang mabait at hindi bagay sa kanila ang pagiging warlock." Komento pa ni Eurus. "Sabi ni mama ay masama daw ang mga warlock." Saad ni Aia.

"Pero bakit po 'yong mga nakapalibot sa'ting mga warlock ay mababait at tinutulungan tayo?" Tanong ni Ria.

"Kasi hindi lahat ng mga inaasahan nating masama ay masama may iba naman sa kanilang mabait." Napatingin sila sa dumating at nakita nila sila Lia.

"Narinig din namin ang nangyari kanila Aqua at Dana. Sana naman ay ayos lang sila." Saad ni Almira. "Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Aqua." Saad pa ni Lia.

"Binuhay niya si Julius pero hindi naman siya nanggulo tulad ng sinabi ni Kera. Si Kera pa nga ang nanggulo ngayon eh." Saad ni Heimdallr.

"Nahuli na ng mga taga Frost sila Kera, Aira at Phyrrus." Saad pa ni Oxylus. "Ano kaya ang gagawin nila sa kanila?" Tanong ni Terra.

"Nasaan po sila Fira at Assiliré? Bakit wala po sila dito?" Tanong ni Ria. "Sumama sila sa isang warlock para mag-aral kung paano manggamot at gumawa ng gamot." Sagot ni Adranus.

"Gano'n? Parang masaya 'yon ah kaso nga lang hindi naman 'yon ang hilig ko." Komento ni Aia. "Ako din." Sagot naman ni Ria.

"Nag-aalala ako kay Phyrrus. 'Yong anak namin ay nasa sinapunpunan niya pa." Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ni Adranus.

"Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?" Tanong ni Almira. "Sana buhayin pa si Phyrrus o kaya sana iligtas 'yong sanggol." Saad ni Lia.

~~

Nandito si Phyrrus sa kulungan niya at naghahanap ng paraan para tumakas. Gusto niyang tumakas para makatakas din si Kera nang nakaramdam siya ng sakit mula sa sikmura.

"Aaah!" Daing niya. Nang napansin 'yon ng bantay ni Phyrrus ay agad itong tinawag si Ephera na kakadaan pa lang. "Anong meron?" Tanong niya sa kawal.

Dahil sa hindi naman nakakapagsalita ang mga kawal mula sa Frost ay tinuro lang nito ang direksyon ni Phyrrus kaya napalingon si Ephera sa tinuro nito.

"Anong meron? Anong nangyayari?" Nagpakalat ng mga talulot ng rosas si Ephera kay Phyrrus para malaman niya kung ano ang nangyayari. Nang nalaman niya kung anong meron ay agad siyang tumakbo paalis para humingi ng tulong.

Nang nakasalubong niya si Gelo ay agad niyang kinausap ito. "Si Phyrrus ay manganganak na. Kailangan niyang agarang tulong para sa panganganak niya." Saad nito.

Agad namang nagpatawag ng doktor si Gelo at kumuha naman sila ng mga gamit na kakailanganin ng doktor para sa pagpapanganak ni Phyrrus.

•••• END OF CHAPTER 18. ••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon