Date Published: June 9, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 12.
THIRD PERSON'S POV
Pagka-alis ni Ryle mula sa bahay nila ay agad na sinundan ni Bryan si Bryne sa loob. Agad niyang hinawakan ang kapatid sa braso nito at tinignan ng masama.
"Ano ba talaga ang problema mo, Bryne?! Bakit ka ba nag kakaganiyan?!" Sigaw ni Bryan. "Dapat sa'tin lang si papa! Hindi naman talaga kasali sa pamilyang 'to ang baba-" Agad na sinampal ni Bryan ang kapatid kaya napatigil ito mula sa pagsasalita.
"Bryan naman. Hindi mo naman siya kailangang sampalin." Sita ni Rhea. "Kaya hindi natututo ang batang 'yan dahil lagi niyong kinukunsinte eh!" Sigaw ni Bryan sa ina at umalis na siya.
"Bryne, humingi ka ng tawad sa kuya at sa papa mo. Kahit na balikatarin mo ang mundo ay kasali pa rin si Dana sa pamilyang 'to." Saad ni Rhea.
"Hindi! Hindi makakapayag na makasali siya sa pamilyang 'to! Atin lang ang pamilyang 'to at hindi siya parte nito!" Sinampal din ni Rhea si Bryne.
"Ano ba ang nangyari sa'yo, anak? Hindi ka naman namin pinalaki ng ganiyan. Saan mo ba natutunan 'yan? 'Yan ba ang tinuturo sa inyo sa academy na 'yan?" Tanong ni Rhea.
"Lumayo ka sa mga taong nagtuturo sa'yo ng masasamang asal bago ka pa mapahamak." Saad ni Rhea at pinapasok na niya sa loob ng kwarto si Bryne.
~~
Nakayap pa rin si Soul kay Dana at pilit na pinapakalma. Kalahati ng selyo ay nasira na at patuloy pa rin ang pagkasira nito.
"Mahal ko, sundan mo ang boses ko. Nandito lang ako. Ayos lang ako. Wala siyang ginawa sa'kin." Saad ni Soul. Bumalik na rin sa dati ang anyo ni Dana at nawalan ito ng malay.
Agad siyang niyakap ni Soul at binuhat. Bumalik na sila sa kaharian ng mga warlock at inihiga sa kama. Sinubukan niyang ayusin ang selyo pero hindi niya magawa dahil sa sobrang sira na ito.
"Paano na? Kapag hindi ko naayos 'to mas lalong magiging delikado ang lahat." Saad ni Soul sa sarili niya. Napatingin siya sa dumating at nakita niya si Ryle.
"Master... Pasensya na." Saad ni Soul. "Ayos lang. Hindi talaga natin maiiwasan ang ganito." Sagot ni Ryle at inayos na niya ang selyo sa kapangyarihan ni Dana.
"May ibang parte ng selyo ang hindi akin. Kaya hindi ko maaayos 'yon pero pwede ko siyang lagyan ng panibago para hindi na natin siya maistorbo pa para lang ayusin ang selyo na nilagay niya." Paliwanag ni Ryle.
"Buti at nilagyan ko ng proteksyon ang anak namin na nasa sinapunpunan niya pa." Komento ni Soul. "'Wag mo na siyang payagang lumaban kundi mangyayari ulit 'to." Tumango si Soul.
"Opo master. Naiintindihan ko po." Sagot ni Soul. Hinalikan ni Ryle si Dana sa noo nito at naglagay din ng proteksyon.
Pinatunog niya ang dalawang daliri para mapigilan ang pagkalat ng kapangyarihan ni Kera. "Ligtas nang lumabas mula sa kanilan mga teritoryo ang lahat." Saad ni Ryle.
"May kapangyarihan pa rin si Kera na manipulahin ang lahat pero kailangan niya nang gamitin 'yon ng direkta sa iba." Dugtong niya pa.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...