Chapter 8.

325 9 0
                                    

Date Published: June 6, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 8.

AQUA'S POV

Nandito kami sa kaharian ng mga warlock at nakasalubong ko pa si Azzuro na halatang aalis na. Nang nakita niya ko ay agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Masaya akong makita ka, ate." Bulong niya. Niyakap ko rin siya. "Masaya din akong makita ka, Azzuro." Sagot ko naman sa kaniya.

Napahiwalay kaming dalawa nang naramdaman kong may humihila sa damit ko mula sa baba. Napatingin kami doon at nakita namin si Cerulean na masamang nakatingin kay Azzuro.

"'Wag niyo pong yayakapin si mama." Saad niya. Kinunutan lang siya ng noo ni Azzuro at napa-iling. "Bwiset." Rinig kong bulong ni Azzuro.

Kinarga ko si Cerulean at hinalikan siya sa pisnge. "Anak, siya ang tito mo. Kababatang kapatid ko siya kaya tito mo siya. Magbigay ka ng galang sa kaniya." Saad ko.

"Siya si tito Azzuro." Pagpapakilala ko. Sinamaan lang siya ng tingin ni Azzuro kaya umiyak siya. "Akin lang ang mama mo. Ako lang 'yong nag-iisa niyang paborito." Mas lalong umiyak si Cerulean.

"Azzuro, 'wag mong paiyakin 'yong pamangkin mo." Sita ko. Sinimangutan niya lang ako. Dumating naman sila mama at napatingin sa'min.

"Isip bata talaga si Azzuro." Iling-iling na saad ni papa. Kinuha naman ni mama si Cerulean mula sa'kin at pinatahan. Tumahan naman siya at napatingin sa kaniya.

"Pagpasensyahan mo na ang tito mo. Nagse-selos lang 'yan dahil nakita niyang nakukuha mo ang atensyon ni Aqua." Saad ni mama.

"Anong akala niyo sa'kin? Bata para magselos? Kahit na anong mangyari ay ako pa rin ang paborito ni ate at hindi magbabago 'yon." Bulong ni Azzuro.

Inakbayan ko ang kapatid ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Syempre naman. Ikaw pa rin ang pinakapaborito ko sa lahat." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

Nakita kong napangiti siya ng onti at natuwa ako. Kinilig 'yan sa'kin. "Kaya 'wag ka nang sumimangot ah. Saka 'wag mo nang awayin ang pamangkin mo." Tumango siya.

"Ngayon ko lang naramdaman, may malakas siyang kapangyarihan pero hindi niya pa nagagamit ito ng buo." Komento ni Azzuro.

"'Yon ay dahil bata pa lang siya. Kapag lumaki na siya ay alam kong magagamit na niya ang buo niyang kapangyarihan." Saad naman ni papa.

"Sa ngayon, lagyan na muna natin siya ng proteksyon. Magkakaroon na naman ng digmaan kaya kailangan nating maghanda." Itinapat ni mama ang hintuturo niya sa noo ni Crrulean at lumiwanag ito.

"Ano ang pangalan niya, anak?" Tanong ni papa. "Cerulean po." Sagot ko. Kinarga niya si Cerulean at tinitigan ito ng mabuti. Nakita kong natakot si Cerulean kay papa.

"Ikaw ang warlock ng digmaan paglaki mo. Susunod ka sa yapak ni Julius kung saan marami kang mapapatay dahil sa isang pangyayari." Saad ni papa.

"Ano pong pangyayari?" Nag-aalala kong tanong. "Kung saan ang digmaan ay umabot na sa'ting mga warlock at diyos." Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinagot ni papa.

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon