Date Published: May 31, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 3.
AQUA'S POV
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko, nakangiti siya sa'kin at mas lalo akong nakaramdam ng panghi-hina dahil sa lamig ng klima. Tinanggal niya ang kapa niya at nilagay sa balikat ko.
"Masaya akong makilala ka, mahal na prinsesa." Pagkasabi niya no'n ay bigla akong nawalan ng malay dahil sa sobrang panghi-hina. Parang hinihigop ng lamig ang lakas ko.
~~
Nagising ako sa isang kwarto na punong-puno ng mga kristal at yelo sa paligid. Napa-upo ako at napatingin sa paligid. Wala akong ibang makita kundi ang mga yelo at kristal lang.
"Masaya ako at gising ka na, mahal na prinsesa." Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa hininga niya na malapit sa tenga ko nang nagsalita siya. Narinig ko siyang tumawa at pumunta siya sa harap ko.
"A-anong kailangan mo sa'kin? Binuhay ka na kita kaya bakit hindi mo pa ako pakawalan?" Tanong ko. "Gusto lang kitang pasalamatan, prinsesa. 'Wag kang matakot." Sagot niya sa'kin.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Nginitian niya ko ng matamis at nagising kulay asul ang mala-abong mata niya. Para akong hinihigop ng mga mata niyang 'yon.
Pakiramdam ko ay may gusto siyang ipagawa sa'kin na hindi ko magugustuhan. Hindi ako maka-iwas sa mga mata niya hanggang sa unti-unti ko nang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Nakita kong napangisi siya sa'kin at hinawakan ang pisnge ko. "Hindi ka na pwedeng mapunta sa iba, prinsesa. Akin ka lang." Hahalikan ko na sana siya nang biglang...
~~
Nagising ako mula sa isang panaginip na hindi ko alam kung talagang nangyari ba o hindi. Pagkatapos kong buhayin si Julius ng mga oras na 'yon ay hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
Pakiramdam ko ay may selyo ang alaala ko mula sa kung ano ang sumunod na nangyari ng mga oras na 'yon. Pinakalma ko ang sarili ko at pinilit na hindi ko alalahanin ang sumunod na nangyari ng oras na 'yon.
"Ayos ka lang ba, apo?" Napatingin ako kay lolo at niyakap siya ng mahigpit. "Natatakot po ako dahil baka may ginawa akong mali na hindi ko maalala." Bulong ko.
"Bakit hindi ka lumabas dito at puntahan si Julius nang malaman mo kung ano ba talaga ang nangyari ng mga oras na 'yon?" Tanong niya.
"Mas magiging kampante ka kung lalabas ka at makikipagkita sa kaniya, apo. Kung habang buhay kang matatakot ay walang mangyayaring maganda sa'yo." Dugtong niya pa.
"Apo, ayos lang ang matakot pero ang pigilan mong sarili mong harapin ang dapat mong harapin dahil lang sa natatakot ka? Mali 'yan. Hindi ka matututong tumayo sa sarili mong mga paa." Pangaral niya.
"Opo lolo. Naiintindihan ko po." Sagot ko at umalis na ko mula sa kaharian. Napunta ako sa gubat at nagulat ako nang may bumangga sa'king babae na may dala-dalang mga halaman.
"Pasensya na. Hindi kasi ako natingin sa paligid eh." Saad ko at tinulungan siyang damputin 'yong mga halaman. "Hindi. Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng tawad dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sagot naman ng babae.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...