Date Published: June 6, 2017
Date -Republished: February 22, 2020.CHAPTER 9.
THIRD PERSON'S POV
Babalik na sana si Abrevar sa kwarto nang biglang dumating si Azzuro. Dahil sa hindi kilala ng mga kawal si Azzuro ay tinapatan nila agad ito ng mga armas. Napatigil si Azzuro mula sa paglalakad at napa-iling.
"Hayaan niyo siya. Siya 'yong kababata kong kapatid." Binaba na ng mga kawal ang mga armas nila at hinayaang makalapit si Azzuro kay Abrevar.
"Kuya, may tanong ako." Paninimula ni Azzuro nang nakalapit na siya sa kapatid. "Ano 'yon?" Takang tanong ni Abrevar.
"Minsan ba may nararamdaman ka may mama na kakaiba?" Tanong ni Azzuro. Napa-isip naman si Abrevar dahil sa tanong na 'yon.
"Minsan meron pero hindi ko na lang pinapansin kasi lagi akong sineselyohan ni papa sa tuwing nararamdaman ko 'yon eh." Sagot niya.
"Ano 'yong nararamdaman mo kay mama minsan, kuya?" - Azzuro.
"Parang may nakaselyo sa kaniya na hindi ko malaman." Simpleng sagot ni Abrevar. "Bakit mo pala tinatanong?" Tanong niya naman.
"Kanina kasi bumisita ako kanila papa. Nang hinawakan ng anak ni ate Aqua si mama ay may narinig kaming ingay na para bang may nabasag na salamin at 'yon na 'yung naramdaman ko kay mama." Sagot ni Azzuro.
"Teka. May anak si ate?" Tumango si Azzuro. "Loko 'yon ah. Hindi man lang ako sinabihan." Agad na pinigilan ni Azzuro si Abrevar nang aalis na 'to.
"T-teka kuya. Saan ka pupunta?" - Azzuro.
"Kay ate. Hindi man lang pinakilala sa'kin 'yong anak niya." - Abrevar.
"Nandoon siya sa Frost. Wala na siya sa kaharian ng mga warlock." Saad ni Azzuro. "Balik na ako kay lolo, kuya. Sabihan mo ko kung kailangan mo ng tulong." Umalis na si Azzuro. Pumunta na si Abrevar sa kaharian ng Frost.
~ FROST KINGDOM ~
Dumating na si Abrevar sa trono ng Frost at agad niyang nakita sila Gelo na nakatambay doon pero wala si Julius.
Tumingin sa kaniya si Hail at agad siyang naging alerto. Napansin naman 'yon ng dalawa niyang kapatid at agad na lumapit sa kaniya.
"Ibaba mo 'yan. Hindi siya kalaban." Saad ni Blizzara. Sinunod naman 'yon ni Hail. "Anong kailangan mo, mahal na hari?" Tanong ni Gelo.
"Nasaan ang kapatid ko? Gusto ko siyang makita at maka-usap." Sagot ni Abrevar. Nagkatinginan silang tatlo at dumating naman si Julius.
"Tulog pa siya. 'Wag kang mag-alala, nasa mabuting kamay siya." Sagot ni Julius. "Paano kayo nagka-anak dalawa kung lagi siyang nakakulong sa kaharian ng Sage?" Tanong ni Abrevar.
"Lagi ko siyang minamanipula para makipagkita sa'kin kaya hindi niya maalala ang mga nangyayari. Pero hindi ko na ginagawa 'yon sa kaniya." Sagot ni Julius.
"Tinutulungan ko pa nga siya maalala ang lahat bago ito." Dugtong niya pa. "'Wag na 'wag sasaktan ang kapatid ko kundi ako na mismo ang babawi sa buhay mo." Pagbabanta ni Abrevar at aalis na sana siya nang bigla siyang may naalala.
"Pakisabi kay ate na pumunta ako dito. Pakisabi na lang din na pumunta siya bukas sa kaharian ng Agua." At umalis na siya.
Napabuntong hininga naman si Julius at napa-iling. "Delikado talagang kalabanin ang pamilya nila. Lahat sila ay may gano'ng kapangyarihan." Komento ni Julius.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...