Date Published: June 17, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 22.
DANA'S POV
"Pinapakuha ni papa ang lahat ng mga hiyas?" Tumango si Soul. "Dahil ba 'yon sa nangyari kay Aqua?" Tumango ulit siya sa'kin.
"Gusto ko, ikaw na kumuha ng mga hiyas, mahal ko. Para naman makabisita ka sa kaniya sa mundo ng mga manggagaway." Saad niya.
"Sige. Ako na ang bahalang kumuha sa mga hiyas, mahal ko." Sagot ko naman at umalis na ako.
~~
Dumating ako dito sa hardin ng Frost at napatingin sa katawan nila Aira. Lumapit ako doon at tinanggal ang epekto ng kapangyarihan ni Kera kay Aira.
Lumapit naman ako kay Phyrrus at nakita kong wala na siyang buhay. Itinapat ko ang dalawa kong kamay at pumikit. Dinala ko siya sa isang lugar kung saan walang nakakaalam at walang makakapunta.
~~
Pagkatapos kong dalhin si Phyrrus sa lugar na 'yon ay nandito ako sa puntod ng isang sanggol. Doon ko lang din nakita na magkatabi pala ang puntod nila ni Erich.
"Alam kong hindi magiging masaya si Erich kung bubuhayin ko siya muli. At alam kong unti-unti nang humihilom ang sugat mula sa puso ng anak ko." Saad ko sa kawalan.
"Hahayaan ko nang sumaya si Abrevar sa piling ng iba at alam kong 'yon din ang gusto ni Erich para sa kaniyang minamahal." Dugtong ko pa at kinuha na ang sanggol at dinala na siya sa lugar kung saan ko dinala si Phyrrus.
~~
Bumaba ako sa batis at inilapag ang sanggol doon. Mamaya ko na kukunin ang mga hiyas pagkatapos nito. At alam kong hindi malalaman ni Soul dahil natanggal na ang selyo mula sa kapangyarihan kong 'yon nang hindi niya napapansin.
Binuhusan ko ng dahan-dahan ang sanggol ng tubig sa buong katawan nito. "Hindi mo pa oras para mamatay, kaya kailangan mong mabuhay." Saad ko.
Maya-maya lang narinig ko nang umiyak ang sanggol. Ang batis ng buhay na teritoryo ko ay mahirap matagpuan na kahit si Soul ay hindi alam kung nasaan ito.
Mula ito sa isang tago na lugar mula sa Magique. Ako pa lang ang nakakakita nito at kahit na ibang uri ng nilalang na naninirahan dito sa mundo ay hindi rin alam ang tungkol sa lugar na 'to.
Pinatahan ko 'yong sanggol mula sa pagkaiyak at inayos ang maliit na kumot na nakapulot sa katawan nito. Ngayon, kanino ko naman siya ibibigay para maalagaan?
Hindi ko siya pwedeng ibigay kay Adranus at sa iba pa dahil kung malalaman ni Soul ang tungkol sa sanggol na 'to ay baka bawiin niya ang buhay nito dahil labag sa patakaran ng mga warlock.
Kahit na alam kong hinayaan nilang mabuhay muli si Julius ay isa naman siyang warlock at ka-uri namin siya. Pero ang batang 'to, hindi.
Umahon na ko mula sa tubig at napatingin kay Phyrrus na wala pang malay at nagpapagaling pa rin. Nilagyan ko ng proteksyon ang sanggol para hindi siya mahanap ng ibang warlock at mas lalo na ang mga nasa Sage at ni Soul.
Umalis na ko mula sa lugar na 'yon at pumunta sa syudad ng Feu. Pumunta ako sa isang bahay at kumatok doon. Ang init naman dito.
Sa bagay, ang syudad na 'to ay pinaliligiran ng mga apoy dahil ito ang titahan ng mga salamangkero at ng iba pang nilalang na may apoy na kapangyarihan.
Bumukas na ang pinto at nakita ko siya. Nahalata kong nagulat siya at pinapasok na niya ako sa loob ng pamamahay niya.
"Anong kailangan mo sa'kin, mahal na reyna?" Tanong niya. Binigay ko sa kaniya ang sanggol at kinuha naman niya.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...