Date Published: June 3, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 6.
AQUA'S POV
Lumabas ako mula sa kwarto ko at pumunta sa trono. Doon ko nakita si Julius na naka-upo sa pwesto niya at mukhang malalim ang iniisip.
Naglakad ako palapit sa kaniya at napatingin siya sa'kin nang napansin niya ako. Pina-upo niya ko sa upuan na nasa tabi niya at ginawa ang gusto niya.
"Magkakaroon na naman ba ng bagong digmaan?" Tanong ko. "Parang gano'n na nga, prinsesa. Kahit na ayaw natin ay sila naman ang maghahabol." Sagot niya.
"Bakit ba ayaw tayong tigilan ng mga salamangkero? Wala naman tayong ginagawang masama sa kanila." Komento ko.
"Sinabi ko naman sa'yo, hindi titigil ang mga salamangkero na 'yan kundi ang manggulo lang. Kapag nakahanap sila ng dahilan para manggulo ay manggugulo talaga sila." Sagot niya.
"Sa tingin mo ba, may kinalaman siya dito?" Napatingin siya sa direksyon ko. "Si Kera ba?" Tumango ako.
"Maaaring may kinalaman siya dito pero hindi ako umaasa susugod siya dito ng harapan." Sagot niya. "Dahil ba 'yon sa sinumpa ko sa kaniya noo?" Tanong ko ulit.
"Ano ba 'yong sinumpa mo sa kaniya?"Tanong niya sa'kin. "Na hindi siya makakalapit sa kahit na sinong warlock, na hindi niya magagawang manakit ng mga warlock." Sagot ko.
"Kung gano'n, manggagamit siya ng iba para atakihin ako." Saad niya. Nakita kong sumeryoso ang mukha niya.
"Matulog ka na, prinsesa. Kailangan mong magpahinga. Ako na ang bahala sa mga mangyayari." Saad niya at inilahad ang kamay niya sa'kin.
Hinawakan ko 'yon at dinala na niya ako sa kwarto ko at pinatulog.
THIRD PERSON'S POV
Naghahanda na sila Mia at Aira para sa paglusob sa kaharian ng Frost nang biglang dumating si Kera.
"Mag-ingat kayo sa kanila. Masyadong malakas ang pwersa nila kaya kailangan niyong maging alerto." Saad ni Kera sa kanila.
"Naiintindihan namin, Kera. Salamat sa pabala." Nakangiting saad ni Aira at umalis na si Kera at bumalik sa teritoryo niya.
~~
Nandito na si Kera sa teritoryo niya at umupo sa pwesto niya. Napangisi siya dahil sa napapasunod niya ang mga prinsesa.
Gagamitin niya sila para makaganti kay Julius dahil sa pagpatay niya sa mga magulang niya. Gagawin niya ang lahat upang mamatay ulit si Julius. Hindi niya hahayaang mabuhay ulit si Julius dahil sa ginawa niyang pagpaslang sa mga magulang niya.
Maya-maya lang ay may dumating na isang babaeng warlock at agad na nawala ang ngiti ni Kera nang nakilala niya agad ito.
"Ikaw ang isa sa mga anak ng hari at reyna ng mga warlock." Napatayo si Kera at kukunin na sana niya ang ispada niya nang hindi niya maigalaw ang kamay at braso niya.
"Tulad ng inaasahan, hindi mo nga kayang manakit ng warlock dahil sa sumpa ni ate sa'yo." Saad ni Amphitrite.
"Kaya gagamitin mo ang mga salamangkero na naninirahan sa kaharian ng Puissant para magawa mo ang plano mo." Dugtong niya pa.
"Dahil sa hindi na kailangang mabuhay ulit ni Julius! Dapat na siyang mamatay! Dapat na siyang mawala ulit!" Nakatanggap ng isang malutong na sampal si Kera mula kay Amphitrite.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...