Date Published: June 6, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 7.
THIRD PERSON'S POV
Pagkatapos patulugin ni Julius si Aqua ay inayos niya ang pagkakahiga nito at inayos niya rin ang kumot na nakapatong sa katawan ni Aqua. Hinalikan niya si Aqua sa noo at tinitigan.
"Sisiguraduhin kong ligtas kayong dalawa, mahal kong prinsesa." Hinalikan niya ulit si Aqua sa noo at lumabas na mula sa kwarto. Pumunta siya sa kwarto ni Cerulean at umupo sa kama nito.
"Po-protektahan ko kayong dalawa ng mama mo, anak. Hindi ko hahayaang saktan nila kayong dalawa." Saad ni Julius at inayos niya 'yong buhok ni Cerulean na nakaharang mukha niya.
Tumayo na si Julius at bumalik na sa trono niya. Pumunta siya sa isang maliit na kulungan at binuksan ito. May lumabas na isang puting kuneho na may makislap na bato sa noo nito.
"Pakitawag sila Gelo at ang iba pa, Rabby." Saad ni Julius at agad 'yon sinunod ng snow rabbit. Napasilip sa bintana si Julius at napabuntong hininga.
Hindi ko hahayaang masaktan ang pamilya ko. Hindi ko hahayaang sirain ulit nila ang kaharian ko. Seryosong saad ni Julius sa isip niya.
DANA'S POV
Hinahalikan at hinihimas ko si Dion sa ulo niya. Nahahalata kong naiinis na siya pero hindi ko pinapansin 'yon. Gusto niyang umalis pero hindi ko hinahayaang mangyari 'yon.
"'Wag kang magulo, Dion. Dito ka lang." Pagsita ko sa kaniya. Maya-maya lang ay may kumuha kay Dion at pinalipad siya paalis. Napatingin ako sa taong 'yon at nakita ko si Soul.
"Kung may lalambingin ka, ako na lang." Kunot noo niyang saad sa'kin. Niyakap niya ko at hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa'kin.
"Wala ba tayong gagawin laban kay Kera?" Tanong ko. "Wala. Sa ngayon ay hayaan na muna natin siyang gawin ang gusto niyang gawin." Sagot niya.
"Ang batang 'yon..." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "May malakas siyang kapangyarihan at kaya niyang manira ng selyo kung gugustuhin niya." Saad niya.
"Pero hindi niya masisira ang selyo kay Aqua dahil mas malakas pa rin si Julius kesa sa kaniya." Saad ko naman. "'Pag lumaki na siya, doon niya lang matatalo ang kapangyarihan ng kaniyang ama." Saad ni Soul.
"Nandito si Azzuro kanina pero hindi manlang bumisita dito. Walang galang talaga 'yong batang 'yon." Natawa ako ng mahina.
"Ayaw niya raw sa'yo mahal ko." Natawa kong saad sa kaniya. Pinaharap niya ko sa kaniya at bigla akong kinabahan dahil sa tingin niya sa'kin.
"Ang tapang mo talaga para sabihan sa'kin 'yan ng harap-harapan. Dapat talaga sinira ko 'yang tapang na 'yan noon pa lang eh." Seryosong saad niya.
"Tanggalin kaya natin 'yang katapangan mo, mahal ko?" Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko at hahalikan na sana niya ako nang biglang...
"Ma, pa, nandito po ako." Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses at nakita namin si Azzuro habang hawak ang alaga niyang mink. Masama siyang nakatingin kay Soul.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...