Date Published: June 20, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 24.
THIRD PERSON'S POV
Binalik na ni Blizzara si Aira sa kaharian ng Puissant at agad naman siyang niyakap nila Eurus at Aires. Napatingin ang dalawa kay Blizzara.
"Maraming salamat." Saad ni Eurus. "Walang anuman pero masamang balita dahil nawawala ang prinsesa ng Figero." Mahinang saad ni Blizzara.
"Hinahanap na siya ng lahat. Sana mahanap siya." Saad naman ni Aira. "Pasensya na sa gulo na nagawa namin ni Phyrrus." Saad naman ni Aira.
"Wala 'yon. Hindi niyo naman kasalanan kaya ayos lang." Sagot ni Eurus. "Sana naman ligtas lang si tita." Nag-aalalang saad ni Aires.
~~
Sa kaharian naman ng Figero ay dumalaw si Amphitrite doon at may dalang sanggol. Agad siyang sinalubong nila Fira at Adranus.
"Sino ka at anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Adranus. "Nandito ako dahil pinapunta ako ni mama." Sagot ni Amphitrite.
"Sabi ni mama ay siya ang anak niyo ni tita Phyrrus mula sa kaniyang dugo at buhok." Paliwanag niya. Binigay niya ang sanggol kay Adranus at kinuha niya 'yon.
"Nasaan ang sanggol na nasa sinapunpunan ni Phyrrus?" Umiling si Amphitrite bilang sagot. Napabuntong hininga si Adranus dahil do'n.
"Nasa pangangalaga ngayon ni mama si tita, tito. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala pa." Dugtong niya.
"Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Adranus. "Hindi ko rin po alam pero ayon kay mama ay nasa isang ligtas siyang lugar." Sagot nito.
"Sana naman makabalik siya ng ligtas dito agad." Saad ni Adranus. Napatingin si Amphitrite kay Fira.
"Mag-ingat ka, prinsesa. May isang nilalang na magkakagusto sa'yo at hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka niya nakukuha." Saad niya.
"Talaga po?!" Nakangiting tanong ni Fira. "Pero 'wag kang maging masaya dahil maaaring siya ang maging dahilan ng kasiyahan mo o maging dahilan ng kamatayan mo. Mag-ingat ka." Umalis na siya at bumalik sa kaharian ng Black.
Nagkatinginan sila Adranus at Fira dahil sa sinabi ni Amphitrite. "Mag-ingat ka anak. Ayokong mawala ka." Tumango si Fira bilang sagot.
~~
Nandito sila Assiliré at Roséia sa kaharian ng Ligero. Tuwang-tuwa si Roséia habang tumitingin siya sa buong paligid ng kaharian.
"Roséia, maganda dito diba?" Tanong ni Assiliré. Tumango si Roséia sa kaniya. "Oo. Sobra. Ito 'yong unang beses na nakakita ako ng kaharian."
"Pero galing ka sa isang maharlikang pamilya, diba?" Sagot ni Assiliré. "Oo. Pero hindi pa ko nakakapunta do'n kahit isang beses." Magtatanong na sana ulit si Assiliré nang may tumawag sa kaniya.
"Anak, nakabalik ka na pala." Saad ni Lia at kasama niya si Heimdallr. "Opo." Hinawakan ni Assiliré ang kamay ni Roséia at ipinakilala siya sa mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...