Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 14.
AQUA'S POV
Nakahiga ako sa kama at nasa tabi ko si Julius habang nakahawak siya ng mahigpit sa kamay ko. Nahihirapan akong huminga at nahihirapan din akong iluwal ang bata.
"Mahal kong prinsesa, kaya mo 'yan. Konti na lang." Pagkasabi niya no'n ay may narinig na kaming iyak ng bata. Nakita ko 'yong babae na may bitbit na sanggol.
"Mahal na hari, isa pong lalaki ang anak niyo." Saad ng babae. Nakita kong napangiti si Julius at kinuha ang sanggol mula sa babae.
Pinakita niya sa'kin ang sanggol at hinawakan ko siya sa pisnge. "A-anak natin siya diba?" Paniniguro ko at tumango siya.
"Anong gusto mong ipangalan sa kaniya?" Tanong niya. "Ikaw? Ano ba gusto mo?" Balik kong tanong sa kaniya. Mas lalo siyang napangiti sa'kin at sinabing "Cerulean. 'Yon ang ipapangalan ko sa kaniya."
"Cerulean? Ang gandang pangalan naman no'n." Sagot ko sa kaniya at hinalikan niya kaming dalawa sa noo. "Magpahinga ka na muna. Babantayan ko kayong dalawa." Tumango ako at natulog na.
~~
Nagising ako nang naramdaman kong may nakatingin sa'kin at nakita ko si Julius. Seryoso siyang nakatitig sa'kin at hinawi ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko. "Wala. Binabantayan lang kita. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya. "Ayos lang. Nakakaramdam pa rin ako ng konting takot kay mama." Sagot ko.
"Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin tungkol sa iyong ina? Kaya siya nakaselyo dahil doon." Tumango ako.
"Si Abrevar?" Tanong ko pa. "Nasa kaharian ng Agua at alam kong parehas kayo ng nararamdaman ngayon." Dahan-dahan akong umupo sa kama.
"Julius..." Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin ng direkta sa mga mata niya. "Unti-unti ko nang naalala ang lahat pero hindi pa sila kompleto." Saad ko.
"Ayos lang. 'Wag mong pilitin ang sarili mo na maalala ang lahat. Isa-isahin mo lang." Nakangiting saad niya at tumango ako. Hinalikan niya ko sa noo.
Bigla namang dumating sila Gelo at ang iba pa sa kwarto na mukhang natataranta. "Mahal na hari, sinusugod na naman po tayo ng mga taga Puissant." Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ako na ang bahala kay Cerulean kaya 'wag ka nang mag-alala. Bumalik ka na lang ng ligtas dito." Tumango siya at tumayo na. Naglakad na sila paalis mula sa kwarto.
Tumayo na rin ako at pinuntahan si Cerulean sa kwarto niya. Pagkapunta ko doon ay naabutan ko pa siyang natutulog kaya naman tumabi ako sa kaniya at niyakap siya.
THIRD PERSON'S POV
Nagsisimula nang maglaban ang mga Frostians at ang mga taga Puissant. Kahit na ilang beses nilang atakihin ang mga Frostians ay hindi nila sila mapatay-patay.
"Paano ba sila matatalo?!" Galit na tanong ni Aira. Si Phyrrus naman ay gumamit ng mahika na apoy kaya naman natunaw ang mga Frostians na nasa harap niya.
"May kahinaan ang mga kalaban. Kahinaan nila ang apoy!" Nakangising saad ni Phyrrus. Sinunod naman 'yon ng iba nilang kasamahan na kayang gumamit ng mahika ng apoy at kinalaban ang Frostians gamit 'yon.
Dumating na si Hail at inihanda na ang spear niya. Hinarap niya si Phyrrus at inatake siya. Nadepensahan ni Phyrrus ang sarili niya gamit ang hawak niyang ispada.
"Akalain mo nga namang may salamangkero pala dito na may kapangyarihan ng apoy." Saad ni Hail. Tinulak niya si Phyrrus at sinipa ito sa sikmura.
"Pero hindi pa rin sapat 'yan para matalo kami." Itinutok na ni Hail ang patalim na nasa spear niya at sinaksak niya si Phyrrus sa balikat.
"Hindi ako pumapatay agad kaya sumuko ka na lang." Saad ni Hail. Galit siyang tinignan ni Phyrrus at tinanggal na ni Hail ang pagkakasaksak sa balilat ni Phyrrus at inatake ang dalawang kawal na papalapit sa kaniya.
Sinaksak niya 'yong isang kawal at ginilitan naman niya sa leeg ang isa pa. Ito na ang nakitang tyempo ni Phyrrus para mapatay si Hail pero bigla siyang pinigilan ni Gelo.
"Hindi mo magagawa 'yan." Sinuntok ng malakas ni Gelo si Phyrrus sa mukha at nakatulog ito. "Gano'n lang 'yon. 'Wag mo siyang papatayin." Saad ni Gelo at tumango si Hail sa kaniya.
Si Blizzara naman ay kalaban niya si Aira. Marami nang galos si Aira dahil sa mga atake na hindi niya nakikita mula kay Blizzara. "Bakit ba hindi na lang kayo sumuko?"
Inatake ni Blizzara si Aira at prinotektahan ni Aira ang sarili niya pero nabitiwan niya ang hawak niyang ispada nang inatake siya ni Blizzara ng malakas.
Nang napa-upo si Aira sa sahig ay pinatulog na siya ni Blizzara. Nakita niyang onti na lang ang mga natitirang kalaban kaya tumigil na ang mga taga Forstians.
"Bumalik na kayong lahat sa inyo kung ayaw niyong pataying ko isa sa mga pinuno ninyo!" Sigaw ni Blizzara at agad nang nagsitakbuhan ang lahat. May mga kawal na binuhat sila Aira at Phyrrus at umalis na sila.
"Tapos na rin. Nakakapagod 'yon ah." Komento ni Hail. "Ayaw talaga tayong tigilan no'n." Sagot naman ni Gelo. "Nakakapagod na 'yong ganito." Komento ni Blizzara.
"Bakit kaya hindi natin hanapin si mama? Baka sakaling tumulong siya diba?" Suhestyon ni Hail. "Saan naman natin siya hahanapin? Hindi nga natin siya nakilala eh." Sagot ni Gelo.
"Ang mahal na hari. Sa kaniya niya tayo binigay kaya impossible na hindi niya kilala kung sino ang ating ina. Saka baka sakaling kilala din niya si papa." Sagot naman ni Blizzara.
"Sige. Tara." Tumakbo na sila papasok ng kaharian at hinanap si Julius. Nakita nila siya sa trono at kasalukuyang nag-iisip ng plano para pabagsakin si Kera.
"Mahal na hari!" Napatingin si Julius sa tatlo. "May nangyari ba? Nasaktan ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Julius at lumapit sa tatlo. Tinitigan niya ng mabuti ang tatlo para makasiguro siyang wala silang galos.
"Sino po ba ang mga magulang namin?" Tanong ni Gelo. Napatigil naman si Julius sa pagtitig sa kanilang tatlo. Napahinga siya ng malalim at napahawak sa noo niya.
"Si Shiva ang nanay niyo. Siya ang pinakamalakas na warlock pagdating sa paggamit ng kapangyarihan na yelo at niyebe." Sagot ni Julius.
"Si papa?" Tanong naman ni Hail. "Pasensya na pero hindi ko kilala kung sino ang inyong ama." Napayuko si Julius. "Nagulat na lang din ako nang lumapit sa'kin si Shiva at binigay kayong tatlo." Sagot niya pa.
"Ang sabi niya lang ay protektahan ko kayong tatlo mula sa inyong ama at umalis na siya nang hindi man lang sinabi kung sino ba ang inyong ama." Dugtong niya pa.
"Nasaan po si mama ngayon?" Tanong ni Blizzara. "Huling balita ko ay nasa syudad siya ng Glace pero hindi ako sigurado kung nandoon pa rin ba siya hanggang ngayon." Sagot ni Julius.
"Maraming salamat po talaga sa pag-aalaga niyo sa'min, mahal na hari." Niyakap ni Julius ang tatlo ng mahigpit. "Wala 'yon. Tinuring ko na kayong anak kaya ayos lang sa'kin." Nakangiting sagot ni Julius.
"Alagaan niyo po sana siya." Mahinang saad ni Gelo. "Alam kong may gusto ka sa kaniya, Gelo. Pasensya na kung huli na nang napansin ko 'yon." Saad ni Julius.
"Ayos lang po. Huli na rin naman po nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang tungkol doon." Sagot naman ni Gelo. "Pumunta na kayo sa syudad ng Glace at tignan niyo kung nandoon pa rin ba siya." Saad ni Julius at naglakad na ang tatlo paalis.
"Tawagin niyo po kami kung may problema, mahal na hari!" Saad ni Hail at kumaway silang tatlo. Kinawayan naman sila ni Julius pabalik.
•••• END OF CHAPTER 14. ••••
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...